Magkumpareng nag-iinuman, nagsuntukan dahil sa pulutang noodles

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 01:30 PM | Updated as of Oct 26 2017 01:58 PM

MAYNILA - Kalaboso ang magkumpareng nagbugbugan sa gitna ng inuman nila sa Sampaloc dahil sa pulutang noodles.

Kinilala ang 2 lalaking sina Roberto Cruz, 53, at Ebbis Dumondon, 44, na parehong may sugat sa mukha dahil sa kanilang suntukan.

Kuwento ni Cruz, nagalit siya sa kumpare niya dahil imbes na gamitin ang tinidor, kamay ang ginamit nito panghalo sa noodles.

Sinita umano niya si Dumondon pero hindi ito nakinig sa kanya hanggang sa mauwi ang pagtatalo sa gulpihan.

Putok ang kaliwang kilay ni Cruz habang sugat sa gitna ng ilong naman ang tinamo ni Dumondon.

Ayon sa mga pulis, nahaharap ngayon ang dalawa sa paglabag Section 844 ng Manila City Ordinance na "Breach of Peace."

--ulat mula kay Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.