Suplay ng bulaklak sa Zamboanga, apektado dahil sa Bagyong Paolo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suplay ng bulaklak sa Zamboanga, apektado dahil sa Bagyong Paolo

Suplay ng bulaklak sa Zamboanga, apektado dahil sa Bagyong Paolo

Chrisel Almonia,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 21, 2017 03:30 PM PHT

Clipboard

Mahigit limang hektarya ng plantasyon ng bulaklak sa Zamboanga City ang nasalanta dahil sa malakas na ulan dulot ng Bagyong Paolo.

Sa Barangay La Paz, nagsisimula nang mamroblema ang mga may-ari ng mga pananim dahil nabubulok na ang mga ito.

Nagsisimula na ring manilaw ang mga dahon nito at umaatake na din ang mga peste.

Nangangamba ang mga may-ari dahil maaapektuhan ang kanilang hanapbuhay at liliit ang kita.

ADVERTISEMENT

Asahan din daw na tataas ang presyo ng bulaklak sa Zamboanga sa darating na Undas. Bahagi kasi ng suplay ng mga bulaklak para sa Undas, sa Barangay La Paz nagmumula.

Kabilang dito ang mga wonder white, golden yellow at iba pang uri ng Chrysanthemum.

Maliban dito, naapektuhan din ang ilang bahagi ng plantasyon dahil sa landslide.

Ang nasabing barangay ay isa sa mga naapektuhan ng walang-tigil na buhos ng ulan nitong linggo.

Sa ngayon, tumigil na ang malakas na ulan sa Zamboanga City ngunit patuloy na dumaranas ng maulap na panahon ang lungsod.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PAGASA, maaari pa ring umulan sa mga darating na araw kaya pinapayuhan ang mga residente na malapit sa dagat at ilog na maging alerto.

Inaabisuhan din ng Philippine Coastguard ang mga mangingisda na iwasan munang pumalaot dahil inaasahan pa rin ang buhos ng ulan hanggang sa weekend.

May 9 na naiulat na namatay sa siyudad dahil sa biglaang pagbaha at iba pang epekto ng masungit na panahon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.