71 barangay sa Pampanga, lubog sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

71 barangay sa Pampanga, lubog sa baha

71 barangay sa Pampanga, lubog sa baha

Gracie Rutao,

ABS-CBN News

Clipboard

PAMPANGA – Dumami pa ang bilang ng mga barangay na lubog pa rin sa tubig baha.

Sa bayan ng Candaba, mula sa tatlong baranagay kahapon, umabot na ng 11 ang lubog na barangay sa ngayon kaya ang lokal na pamahalaan ay nagpakalat ng mga dump truck para sa libreng sakay.

Bumaba naman ang bentahan ng tilapia dahil sa maraming umapaw na palaisdaan.

Sa ibang barangay, walang ibang masakyan kundi pagbabangka.

ADVERTISEMENT

Pero pinakamalalim ang tubig sa Barangay San Agustin. Literal na nagmistulang dagat ang paligid. Lubog ang barangay hall, mga covered court, pati ang paaralan kaya magda-dalawang linggo nang walang pasok ang mga estudyante.

Marami sa kanila mas pinili pa ring manatili sa kani-kanilang mga bahay.

Kahit mataas na ang bahay, may ilang 2nd floor pa rin na inabutan ng tubig.

Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, nasa 71 nang barangay mula sa 6 na bayan ang lubog sa baha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.