Lalaki, arestado sa pagbebenta ng nakaw na pusa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, arestado sa pagbebenta ng nakaw na pusa

Lalaki, arestado sa pagbebenta ng nakaw na pusa

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nakuhanan ng marijuana ang isang lalaking dinampot ng mga awtoridad dahil sa pagbebenta ng ninakaw na pusa sa Barangay Santolan, Pasig nitong Martes.

Nitong Sabado, nawala si "Ash", ang pusang Foldex breed na pagmamay-ari ng isang office worker na hiniling na itago ang kanyang pangalan.

Nakita ang pusa na hawak ng 20-anyos na si Guimar Servande nang dumaan ito sa barangay hall noong Linggo, sabi ng tanod na si Jun Torres.

Nang makita ng mga rumorondang tanod si Servande nitong Martes ng gabi, isinama nila siya sa barangay para tanungin.

ADVERTISEMENT

Doon umano niya inamin na ibinenta n'ya at ng ilang kasamahan ang pusa sa halagang P250 sa isang residente ng kabilang barangay.

Pinuntahan ng may-ari at ng barangay ang naturang residente na kinumpirmang si Servande ang nagbenta kay Ash.

Nagkaroon ng mga rash sa katawan ang pusa nang mabawi siya. Sinabi ng kanyang may-ari, P20,000 ang bili niya sa dalawang-taong-gulang na si Ash.

Ayon naman sa barangay, may mga kasamahan si Servande na sangkot sa ibang kaso ng nakawan sa lugar.

Nakuha naman ang 4 na pakete ng hinihinalang marijuna sa shorts ni Servande habang nasa barangay hall ito.

Ikinagulat ito ng kinakasama ni Servande, na tumangging gumagamit o nagbebenta ang droga ang lalaki.

Posibleng maharap si Servande sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act. Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.