Pagsagip kay Fr. Chito Suganob na halos 4 na buwang bihag ng Maute, di kinompirma ng AFP | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsagip kay Fr. Chito Suganob na halos 4 na buwang bihag ng Maute, di kinompirma ng AFP

Pagsagip kay Fr. Chito Suganob na halos 4 na buwang bihag ng Maute, di kinompirma ng AFP

ABS-CBN News

Clipboard

Nailigtas na si Father Chito Suganob at ang isa pang bihag ng teroristang grupong Maute, ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Ibinahagi ni Dureza ang balita sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ayon kay Dureza, nailigtas sina Suganob at ang isa pang bihag kasabay ng pagbawi sa Bato Mosque nitong Sabado, Setyembre 16.

Galing ang impormasyon kay Atty. Franklin Quijano. Aniya, nagmula ito sa kaniyang source sa intelligence community.

ADVERTISEMENT

Kinompirma rin ng ilang source ng ABS-CBN ang impormasyon.

Nakarating na ang balita sa mga estudyante ng Mindanao State University (MSU) na malapit kay Suganob.

Nagtulong-tulong na sila para linisan ang maliit na kuwarto ni Suganob sa MSU.

Kahit limitado ang impormasyon tungkol dito, ikinatuwa ng Diocese of Iligan na malamang ligtas si Suganob.

Hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon ang Malacañang dahil sa maselang operasyon ng militar.

ADVERTISEMENT

"We have an ongoing rescue operations at the main battle area.
"We cannot give you details as of now lest we imperil the lives not only of our soldiers, but more so, that of the hostages," saad ng pahayag ni Colonel Edgard Arevalo ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines.

"We will provide information and other pertinent details as soon as conditions on the ground allow us. Thank you for your understanding. We covet your unceasing intercession for the safety of all, and lasting peace in Marawi," saad naman ng pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Sa press briefing ng militar nitong Linggo, Setyembre 17, hindi rin nagbigay ng detalye si Task Force Ranao Deputy Commander Romeo Brawner, Jr. kung si Suganob nga'y kabilang sa mga nailigtas na bihag.

May 23 nang magsimula ang bakbakan sa Marawi at dukutin ng mga Maute si Suganob kasama ang iba pang mga bihag. -- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.