Banggolo Bridge sa Marawi, nabawi ng militar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Banggolo Bridge sa Marawi, nabawi ng militar

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2017 07:08 PM PHT
|
Updated Sep 01, 2017 09:13 PM PHT

Matapos ang 102 na araw ng bakbakan sa Marawi City, inanunsiyo ni Western Mindanao commander Lt. Gen. Carlito Galvez na nabawi na ng militar ang Banggolo o Bayabao Bridge.

Gaya ng tulay ng Mapandi, isa ang Banggolo Bridge sa mga main battle area na pinangyarihan ng matinding sagupaan laban sa teroristang grupong Maute.

Itinuturing ni Galvez bilang "major control" ang pagbawi sa tulay.

Dahil dito, lumiit umano ang bahagi ng main battle area na ginagalawan ng Maute.
Dahil dito, lumiit umano ang bahagi ng main battle area na ginagalawan ng Maute.
ADVERTISEMENT
Matatandaang daan-daang sibilyan ang bitag sa Barangay Banggolo noong mga unang linggo ng bakbakan, dahilan para tumagal ang clearing operation.

Tatlong sundalo ang nadagdag sa bilang ng mga sundalong namatay na umabot na sa 136 ngayong araw.

Mahigit 50 naman ang sugatan sa operasyon ng militar. Karamihan sa mga ito'y dahil sa pagtatangka ng ibang sundalo na sagipin ang kanilang mga kabaro.

-- Ulat nina Raphael Bosano at Jeff Hernaez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Marawi
Marawi clash
Maute
Banggolo
TV Patrol
Raphael Bosano
Jeff Hernaez
MarawiClash
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT