Pagsabog sa Sultan Kudarat: PNP chief, aminadong nalusutan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsabog sa Sultan Kudarat: PNP chief, aminadong nalusutan

Pagsabog sa Sultan Kudarat: PNP chief, aminadong nalusutan

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Naka-full alert status na ang Philippine National Police (PNP) sa buong Mindanao kasunod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat Martes ng gabi na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng 34 na tao.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, nakatanggap ng intelligence report ang PNP subalit hindi specific na pagpapasabog sa Isulan.

“Ang sinasabi mayroon na silang information na nakukuha, pero kahit ano sigurong pagko-conduct ng target hardening measures, nalusutan pa rin,” sabi ni Albayalde.

Aminado siyang nalusutan, subalit hindi masisi aniya ang mga pulis sa rehiyon dahil puspusan naman ang kanilang pagmamatyag.

ADVERTISEMENT

Naka-heightened alert naman ang pinaiiral sa Metro Manila kung saan lahat ng pulis ay dapat naka-deploy at bawal mag-leave.

Nagdiriwang ang bayan ng Isulan ng kanilang ika-7 Hamungaya Festival nang mangyari ang pagsabog. Isang improvised explosive device umano ang sumabog habang hinahabol ng mga sundalo ang hindi pa nakikilalang salarin.

Kinilala ang dalawang nasawi sa pagsabog bilang si Lenie Ombrog, 52-anyos at Davy Shane Alayon, 7-taong gulang.

Iniimbestigahan na ng PNP kung isang terror attack ang pagsabog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.