2 patay, higit 30 sugatan sa pagsabog sa Sultan Kudarat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay, higit 30 sugatan sa pagsabog sa Sultan Kudarat

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Aug 28, 2018 10:38 PM PHT
|
Updated Aug 29, 2018 04:18 AM PHT

SULTAN KUDARAT (2nd UPDATE) - Patay ang 2 katao habang higit 30 naman ang sugatan matapos sumabog ang isang hinihinalang improvised explosive device (IED) sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lenie Ombrog, 52-anyos, at Davy Shane Alayon, 7-anyos.

Ayon kay Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, sumabog ang IED habang hinahabol ng mga sundalo ang hindi pa kilalang salarin.

Sumabog ito alas-9:15 ng gabi malapit sa munisipyo at isang bangko, aniya.
Sumabog ito alas-9:15 ng gabi malapit sa munisipyo at isang bangko, aniya.
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Sobejana, may isang sibilyan ang nagsumbong sa mga sundalo ukol sa iniwang bag ng salarin.

"Pero bago namin siya mahuli, sumabog na 'yung bomba," aniya.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng insidente.

Nagdiriwang ang bayan ng Isulan ng kanilang ika-7 Hamungaya Festival nang mangyari ang pagsabog.

Itinaas na ang red alert sa buong rehiyon ng Soccksargen matapos ang insidente.
Itinaas na ang red alert sa buong rehiyon ng Soccksargen matapos ang insidente.
ADVERTISEMENT
2 IEDs
Ayon kay Chief Insp. Ronnie Dardo, tagapagsalita ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, may 2 pang bomba ang natagpuan sa lugar.

Natagpuan ang mga ito sa likod ng ukay-ukay stall at sa traysikel. Kinordon na ng mga awtoridad ang lugar ng pinangyarihan.

Dagdag ni Dardo, may natanggap na silang impormasyon hinggil sa pasasabuging bomba sa lalawigan at sa Maguindanao bago ang insidente.

“Meron tayo information na ganun, kaya mahigpit tayo ngayon. Lahat ng mga bayan, nagka-conduct ng checkpoint,” aniya.

Kuwento naman ng nanay ng batang namatay, magkakasama silang pamilya na namimili sa mga tindahan ng ukay-ukay sa Barangay Kalawag 3 nang mangyari ang pagsabog.

Dali-dali inakay ni Nissa si Davy Shane para tumakbo papalayo. Doon na niya napansing duguan pala ang bata matapos tamaan ito ng shrapnel sa tiyan.

Sa ospital, pilit umanong lumaban ang kaniyang anak, ani Nissa. Pero bumigay na ang katawan ni Davy Shane dahil sa tinamong sugat. - May ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News