3 pakete ng shabu nakita malapit sa burol ni Kian | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 pakete ng shabu nakita malapit sa burol ni Kian

3 pakete ng shabu nakita malapit sa burol ni Kian

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2017 06:57 PM PHT

Clipboard

MANILA - Natagpuan ng isang residente Biyernes ang 3 pakete ng hinihinalang shabu malapit sa pinagbuburulan ni Kian Delos Santos, ang 17-anyos na estudyanteng napaslang sa isang anti-drug operation sa Barangay 160, Caloocan.

Kuwento ni Rolando Libiran, ipapagawa sana niya ang tumatagas na tubo ng tubig sa labas ng kanilang bahay nang makita niya ang isang coin purse sa ilalim ng isang kalapit na paso.

Nang buksan ang pitaka, dito na aniya nakita ang 3 maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

"Wala akong idea bakit nila doon inilagay iyan," ani Libiran.

ADVERTISEMENT

Tumanggi rin siyang magkomento sa mga ulat na talamak ang kalakaran ng ilegal na droga sa kanilang barangay. Aniya, "Hindi ko po masasabi iyan dahil tahimik kaming mamamayan dito."

Nasa kabilang eskinita lang mula sa bahay ni Libiran ang tahanan ni Delos Santos, kung saan siya nakaburol.

Napatay si Delos Santos nitong Agosto 16 matapos umanong manlaban sa mga pulis. Taliwas ito sa pahayag ng ilang saksi na nagsabing binugbog ng mga operatiba si Kian, binigyan ng baril at saka pinatakbo.

Iginiit ng mga pulis na drug courier ang Grade 11 student para sa kanyang ama at mga tiyuhin.

Gayunman, inamin ng mga operatiba sa pagdinig ng Senado Huwebes na nakumpirma lamang nila ang umano'y kaugnayan ni Delos Santos sa ilegal na droga isang araw matapos siyang mapatay.

Bukod sa Senado, iniimbestigahan ng Department of Justice, National Police Commission at Commission on Human Rights ang pagkamatay ni Delos Santos. -- Robert Mano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.