Kritiko ng MRT, tiklo dahil sa pag-vandalize umano ng tren | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kritiko ng MRT, tiklo dahil sa pag-vandalize umano ng tren

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Aug 24, 2016 08:39 AM PHT
|
Updated Aug 24, 2016 08:51 AM PHT

Earlier: Barangay attempts to mediate bet MRT3 staff & passenger Angelo Suarez accused of vandalizing train. pic.twitter.com/wIlE1Ud9iL
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) August 24, 2016

MANILA - Inaresto ang isang kritiko ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) dahil sa pag-vandalize umano sa bahagi ng isang tren, Martes ng gabi.

Giit naman ng lalaki, idinitene siya ng mga tauhan ng MRT nang mahigit dalawang oras kahit pa walang ebidensya na siya ang responsable sa bandalismo.

Naaktuhan umano ng isang guwardya si Angelo Suarez habang nagsusulat ng katagang "MRT bulok" sa nakalaylay na panel ng tren na patungong Quezon Avenue Station mula sa Kamuning.

May mga nakuhanang litrato ang guwardiya ng isinulat, ngunit hindi ito ipinakita sa media.
Dinala si Suarez sa presinto, kung saan siya nanatili hanggang Miyerkules ng madaling-araw.

ADVERTISEMENT
Depensa naman ni Suarez, pauwi na siya sa trabaho at kakasakay pa lang ng tren nang mapansin ang vandalism.

Pagbaba niya sa Quezon Avenue Station, hinabol siya ng guwardiya at inimbitahan sa opisina doon para ipaalam sa kanya ang paratang.
Iginiit naman ni Suarez na walang patunay na siya ang nagsulat sa panel ng tren.

Gayunman, hindi pinayagan ng mga tauhan ng MRT-3 na umuwi siya kahit pa noong subukan siyang sunduin ng kanyang live-in partner at anak.

Napilitan ang mag-ina ni Suarez na magpalipas ng gabi sa loob isang fastfood outlet habang nakarating naman ang reklamo sa barangay bago ito tuluyang umabot sa Quezon City Police Station 4.

Idiniin ng nagbibigay ng payong legal kay Suarez na si Sarah Raymundo na maaari nilang sampahan ng kontra-kaso ang pamunuan ng MRT-3.

Naniniwala rin ang kampo ni Suarez na may koneksiyon ang pag-aresto sa kanyang adbokasiya laban sa pagtaas ng pasahe sa tren noong 2015.

Dati na ring nagpo-post si Suarez sa Facebook ng mga litrato ng vandalism sa MRT-3.

Tumangging magbigay ng pahayag ang tauhan ng MRT samantalang nagpa-medical exam na si Suarez habang hinihintay ang piskal na hahawak sa kaso.

Read More:
tagalog news
MRT
crime
vandalism
metro commute
public transit
Angelo Suarez
fare increase REL IMAGE
EMBED 1.jpg REL STORIES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT