Halos 10,000 ektarya ng maisan, nasira dahil sa tagtuyot | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos 10,000 ektarya ng maisan, nasira dahil sa tagtuyot

Halos 10,000 ektarya ng maisan, nasira dahil sa tagtuyot

Danielle Rebollos,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nasira ang halos 10,000 ektarya ng taniman ng mais sa Echague, Isabela dahil sa kakulangan ng pag-ulan at pagkatuyo ng mga irigasyon.

Ayon kay municipal agriculturist Loreta Aguilar, idineklara nilang "drought affected" ang 9,900 ektarya ng maisan sa 60 barangay ng Echague.

Kinapos aniya ng nirarasyong tubig ang National Irrigation Administration (NIA) sa South High Canal kaya walang nagamit ang nasa 2,086 magsasaka.

Karamihan sa mga mais na naani ng mga magsasaka ay tuyo at halos walang mga butil. Hindi na anila maibebenta ang mga ito kaya ipapakain ng lang nila sa mga alagang hayop.

ADVERTISEMENT

Katumbas ng mga natuyong pananim ang 20 porsyento ng kabuuang ani ng bayan.

Naglaan na ang lokal na pamahalaan ng ayudang mais at palay para sa mga apektadong magsasaka.

Hiniling naman ni Aguilar sa gobyerno na magtayo ng water impounding facility na makapagtutustos ng irigasyon sa mga lugar na hindi kayang abutin ng NIA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.