Bala ng mortar, natagpuan sa bahay sa Cotabato | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bala ng mortar, natagpuan sa bahay sa Cotabato

Jasper Acosta,
ABS-CBN News
Published Aug 19, 2016 12:00 AM PHT

COTABATO CITY – Natagpuan sa loob ng isang bahay sa Purok Sampalok Manday sa Cotabato City ang isang bala ng 81mm mortar na pinaniniwalaang iniwan bilang panakot sa mga residente.

Ayon kay Barangay Chairman Ella Biruar, dinala ng mga residente ang bala sa barangay hall ng Mother Barangay Bagua, Cotabato City pasado alas-5 ng hapon ng Martes.

Inaalam ngayon ng Philippine National Police kung sino ang posibleng nag-iwan ng mortar sa loob ng isang bahay at kung ano ang motibo nito, ngunit kanilang hinala na posibleng pananakot lamang ito dahil walang nakakabit na trigger device sa bala upang ito ay pasabugin.

Ang bala ng mortar ay ibinigay na ng mga opisyal ng barangay sa PNP at Explosive Ordnance Disposal Team.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT