Philippine News Agency, nasita ang mga mali sa Kamara | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Philippine News Agency, nasita ang mga mali sa Kamara

ABS-CBN News
Published Aug 16, 2017 07:38 PM PHT
|
Updated Aug 17, 2017 12:43 AM PHT

Sinita ng ilang kongresista ang sunod-sunod na sabit sa trabaho ng Philippine News Agency (PNA) sa budget hearing ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Kamara kahapon, Agosto 15.

Hindi pinalusot ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang mga empleyado ng PNA na nag-post ng logo ng pineapple company sa website ng ahensiya para sa isang press release tungkol sa Department of Labor and Employment.

Kaya iniharap ni PCOO Secretary Martin Andanar sina Joseph Paligutan, ang nag-Google ng logo, at si Lilybeth Ison, ang editor na nag-apruba sa posting.

Aminado si Paligutan na dinownload niya ang logo gamit ang Google.
Aminado si Paligutan na dinownload niya ang logo gamit ang Google.
ADVERTISEMENT
Ayon naman kay Ison, ito ang unang pagkakamali niya bilang isang journalist nang halos 30 taon.

Paliwanag pa niya, pinaliitan daw kasi ang larawan sa kanilang system.

Ayon naman kay Communications Secretary Martin Andanar, pinasasagot na sa show cause order ang dalawa at maaari silang mapatawan ng mabigat na parusa.

May show cause order din ang mga empleyadong nag-upload ng isang komentaryo ng Xinhua News Agency tungkol sa West Philippine Sea.

Habang nag-resign na rin ang mga empleyadong naglabas ng maling post tungkol sa pagdalo ng Pilipinas sa Universal Periodic Review on Human Rights noong Mayo at gumamit ng picture ng Vietnam war para sa labanan sa Marawi.

Tiniyak ni Andanar na sagana sa training sa loob at labas ng bansa ang mga taga-PNA.

Bumuo na rin siya ng editorial board na magbabantay sa mga ilalabas nila.

Pero sinita rin ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Andanar tungkol sa accreditation ng mga bloggers para mag-cover sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Dapat umano, gaya ng mga guidelines sa mga institusyon tulad ng United Nations, ang ia-accredit na mag-cover sa pangulo ay may malawak na karanasan sa pagko-cover at may telepono at address na madaling matunton.

Paliwanag ni Brosas, maaaring magamit sa pang-aabuso ang kasalukuyang guidelines ng PCOO o lalo pang malagay sa panganib ang seguridad ng pangulo.

Bukas naman sa anumang mungkahi ang PCOO at lusot na rin sa appropriations committee ang kanilang budget na mahigit P1.37 bilyon para sa mga programa nito sa 2018.

--Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
TV Patrol
Philippine News Agency
Presidential Communications Operations Office
PCOO
Martin Andanar
Communications Secretary
blogger
accreditation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT