Sanggol nalunod sa baha sa Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sanggol nalunod sa baha sa Bulacan

Sanggol nalunod sa baha sa Bulacan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2019 11:55 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Idineklarang dead on arrival sa ospital nitong Martes ang isang sanggol sa Barangay Frances, Calumpit, Bulacan matapos malunod sa baha.

Nadulas umano ang isang taon at siyam na buwang gulang na bata kaya nalunod ito sa baha sa bakuran ng kanilang bahay.

Ayon sa ina ng biktima, hindi niya namalayang nahulog sa baha ang bata.

Labis din ang pagdadalamhati ng mga opisyal ng Barangay Frances, na ibinahaging ilang buwan daw ang inaabot bago humupa ang baha sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

Sinasalo kasi ng kanilang komunidad ang tubig na galing Pampanga at mga kalapit na bundok.

Nalubog sa baha ang Metro Manila, Bulacan, at iba pang karatig-lalawigan dahil sa mga pag-ulang ibinuhos noong weekend ng habagat na pinalakas ng nagdaang bagyong Karding.

Aabot sa halos 700,000 katao ang naitalang apektado sa pagbuhos ng ulan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Bukod sa sanggol, dalawa pa ang naiulat na nasawi sa kasagsagan ng masamang panahon habang isa naman ang nawawala.

Watch more in iWantv or TFC.tv

BABAENG HUMIHINGI NG SAKLOLO, KUHA SA VIDEO

Samantala, nakuhanan naman ng video ang isang babae sa Marikina City na na-stranded sa gitna ng baha sa kasagsagan ng mga pag-ulan noong Sabado.

Kuwento ng kumuha ng video na si Edwin Bumatay, residente ng Barangay Industrial Valley Complex, sinubukan niyang tumawag sa Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office para tulungan ang babae pero naubusan ng load.

Kaya idinaan niya sa Facebook live video ang paghingi ng saklolo sa babae.

"Nag-try po muna ako tumawag sa 161 kaso lang hindi ma-dial, kailangan ng regular load para ma-contact," kuwento ni Bumatay.

"Nag-FB (Facebook) live na lang ako Baka sakaling mai-share nang mai-share, makita ng kauukulan," aniya.

Pero walang saklolong dumating at inanod daw ang babae makalipas ang ilang saglit.

"Hindi ko na na-video 'yon kasi nag-try na akong tumawag ng mga kakilala na baka puwedeng makatawag," ani Bumatay.

Ayon kay Fernando Mira, chairman ng Barangay Industrial Valley Complex, sinubukang sagipin ng rescue teams ang babae subalit nanakit pa raw ito.

"Sinasaktan niya po 'yong mga tao gusto tumulong sa kaniya. Tinutulak niya at hinahampas niya kaya noong oras na 'yon hindi siya naitabi dahil nga nananakit," ani Mira.

Ayon naman kay Dave David, pinuno ng Marikina Disaster Risk Reduction and Management Office, naisalba ang babae, at isa lang ang naiulat na casualty o nasawi sa lungsod sa kasagsagan ng masamang panahon.

Hindi matukoy ng pamahalaang lokal kung sino ang babae at nasaan na ito ngayon.

Nitong Martes, nasa halos 9,000 residente na lang ang nanatili sa evacuation centers sa Marikina, malayo sa higit 21,000 residente na naitala noong Linggo.

-- Ulat nina Jasmin Romero at Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.