'Drug lord' ng Quezon, sumuko sa PNP

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2016 04:15 PM | Updated as of Aug 15 2016 09:14 AM

MANILA - Sumuko na sa Philippine National Police (PNP) si Cerilo Athel Alcala, ang umano'y drug lord ng probinsya ng Quezon. 

Si Alcala ay kapatid nina dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at Quezon Rep. Kulit Alcala. 

Dakong alas-3 ng hapon ng dumating si Athel sa tanggapan ng PNP sa Lucena, kasama ang pamangking si Lucena Mayor Roderick Alcala. 

Nakikipag-usap pa si Athel kay Lucena police chief Supt. Dennis de Leon, hanggang dakong alas-4 ng hapon. 

Inaasahang haharap sa press conference si Athel matapos ang naturang pulong. 

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Mayor Alcala sa pulisya ang pagdakip sa kanyang tiyuhing idinadawit sa iligal na droga.