Test broadcast ng mga educational program sa TV sinimulan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Test broadcast ng mga educational program sa TV sinimulan na

ABS-CBN News
Published Aug 11, 2020 06:23 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 07:45 PM PHT

Sinimulan ngayong Martes ang test broadcast ng mga educational program ng Department of Education sa ilang TV station.

Dahil ipinagbabawal pa ang pagdaraos ng klase sa mismong paaralan, gagamitin ang mga printed at digital module, online class, radyo at telebisyon para maihatid ang mga aralin sa mga batang nasa tahanan.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, nag-test broadcast sila para makita kung ano pa ang maaaring ma-improve bago magsimula ang klase sa Agosto 24.

"Kaya nagtest broadcast kami para makita kung yun bang ginawa namin ay maayos... para makita natin kung ano ba limitations, hoping we can improve everything and have a perfect broadcasting by August 24," ani Pascua.

Sa IBC-13 at Solar ipinalabas ang mga programa, tampok ang mga aralin para sa mga estudyante sa Grade 3, 6, 8, 10, senior high school, special education at Alternative Learning System (ALS).

Pero dahil limitado ang kakayahan, sinabi ni Pascua na simple lang umano ang mga materyales na ginamit sa pagbuo ng mga programa.

"Kung itataas mo ang quality, you will be needing the kind of equipment tv stations are using but we cant afford that," aniya.

"So we settled for using cellphones tablet and laptops," dagdag ni Pascua.

Sinanay din ng DepEd ang mga guro para maging instant broadcaster na siyang magtuturo ng mga aralin sa harap ng camera.

Ayon sa DepEd, malaking tulong ang TV sa pag-aaral ng mga bata lalo na kung wala silang access sa internet.

Base sa pagtaya ng ahensiya, higit 1 milyong magulang ang gustong mag-aral ang mga bata gamit ang TV habang higit 900,000 naman ang radyo.

Tatagal ang test broadcast hanggang Agosto 21.

Sa ngayon, pinagpaplanuhan ng DepEd na mag-broadcast gamit ang 3 istasyon ng telebisyon: isa para sa elementarya, isa para sa junior high school, at isa para sa senior high school at ALS.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Education
TV education
TV-based instruction
distance learning
edukasyon
TV Patrol
Jasmin Romero
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT