Restaurant sa Negros Occ. na binisita ng pasyenteng namatay sa COVID-19, pansamantalang isinara | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Restaurant sa Negros Occ. na binisita ng pasyenteng namatay sa COVID-19, pansamantalang isinara

Restaurant sa Negros Occ. na binisita ng pasyenteng namatay sa COVID-19, pansamantalang isinara

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Pansamantalang isinara ang isang restaurant sa La Castellana, Negros Occidental matapos bisitahin ng COVID-19 patient na kinalaunan ay namatay.

Nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng La Castellana ng contact tracing sa lahat ng posibleng nakasalamuha sa restaurant ng 60-anyos na babaeng nagpositibo sa sakit.

Ayon kay La Castellana Mayor Rhumyla Nicor-Mangilimutan, nagkape noong Agosto 2 sa naturang restaurant ang namatay na COVID-19 patient na taga-La Carlota City.

Pinaghahanap nila ang mga nakasabay nito na kumain din sa restaurant.

ADVERTISEMENT

Isasailalim naman sa swab test ang 8 staff ng restaurant.

Para naman mas mapaigting ang kampanya kontra COVID-19, naglabas ng Executive Order ang alkalde para ma-regulate ang mga bumibisita sa kanilang bayan.

Hihingan rin nila ng medical certificate ang mga tutungo sa La Castellana, at maglalagay ng checkpoints para masiguro na nakasuot ng face mask at nag-oobserve ng physical distancing ang mga residente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.