2-anyos na bata sa Negros Oriental positibo sa COVID-19 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2-anyos na bata sa Negros Oriental positibo sa COVID-19

2-anyos na bata sa Negros Oriental positibo sa COVID-19

Mitch Lipa,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang 2-anyos na bata ang kasama sa 4 na bagong COVID-19 cases na naitala sa Negros Oriental, ayon sa mga health officials ng lalawigan nitong Lunes.

Ayon kay Dr. Liland Estacion, ang assistant provincial health officer ng Negros Oriental, ang bata ay residente ng bayan ng Siaton. Kasama ng bata ang kaniyang mga magulang at isa pang kapatid na dumating sa Dumaguete City noong Hulyo 31 sa pamamagitan ng Malasakit Voyage.

Isinailalim sa swab test noong Agosto 1 ang buong pamilya at ang bata ang nagpositive sa virus. Kasama ng bata sa isolation area ng rural health unit ng Siaton ang kaniyang ina.

Bukod sa kaniya, isang 48-anyos na lalaki na taga-Tayasan, isang 31-anyos na lalaki na taga-Dauin, at isang 36-anyos na babae na taga Sibulan ang kasama sa bagong kaso sa lalawigan.

ADVERTISEMENT

May 108 na COVID-19 cases na ang naitala sa Negros Oriental at 16 dito ang active infections.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.