Vendor ninakawan ng 3-araw halaga ng kita; suspek timbog dahil sa CCTV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vendor ninakawan ng 3-araw halaga ng kita; suspek timbog dahil sa CCTV

Vendor ninakawan ng 3-araw halaga ng kita; suspek timbog dahil sa CCTV

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Isang lalaking vendor sa Sampaloc ang ninakawan ng kaniyang 3-araw na kinita sa kaniyang pagtitinda.

Nabigla ang 50-anyos na vendor na si Leno Muaña nang madiskubreng wala na ang kaniyang bag sa loob ng nakaparadang tricycle sa Quintos Street.

Laman nito ang tatlong araw niyang napagbentahan ng mga gamit sa bahay na hindi pa naire-remit sa kaniyang amo.

"Umihi lang ako. Pagbalik ko wala na. Tinanong ko mga tao kung nakita ba nila," ani Muaña.

ADVERTISEMENT

Nang silipin ang kuha ng CCTV ng barangay, isang lalaking naka-puting t-shirt at itim na shorts ang nakitang naglalakad sa kalye.

Nang mapansin ang tricycle na noo’y walang bantay, nilapitan niya ito at may kinuha sa loob.

Paglayo ng lalaki, bitbit na niya ang nawawalang bag.

Kinilala siyang si Leo Reyes, residente rin sa lugar.

Isang buwan na umano siyang hindi nakapamamasada ng tricycle at walang hanapbuhay.

ADVERTISEMENT

"Pambili lang ng pagkain. Nakita ko lang naman nadaaanan ko lang," kuwento ng suspek.

Ayon sa Barangay 550-Zone 5 chairman, bukod sa mga reklamo ng umano'y pagnanakaw, binabantayan din si Reyes kaugnay naman sa droga.

"Nasa drug watchlist eh. Paano-ano sa amin yan eh. Nawawala, bumabalik, user," ani barangay chairman Jeffrey Estabaya.

Narekober ang bag at ilang gamit ni Muaña pero wala na ang cellphone at nasa P5,000 pera nito.

Hiling niyang maibalik din sa kanya ang pera na kailangan pa niya ngayong abonohan sa kaniyang amo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.