Pagkubra ng SAP sa Marikina nauwi sa gulo dahil sa pila, kulang na cash | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkubra ng SAP sa Marikina nauwi sa gulo dahil sa pila, kulang na cash

Pagkubra ng SAP sa Marikina nauwi sa gulo dahil sa pila, kulang na cash

Adrian Ayalin,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 10, 2020 11:58 PM PHT

Clipboard

MAYNILA —Nauwi sa away ang pagpila ng mga benepisyaro ng Social Amelioration Program (SAP) dahil sa pagkaantala ng pagdating ng pera sa isang remittance center sa Marikina City.

Dahil dalawang pila na ang nabuo sa harap ng isang remittance center sa Marikina City, nag-away na ang 2 grupo ng mga kukuha ng kanilang parte sa second tranche ng SAP.

Mula umaga hanggang hapon, tengga ang mga tao sa pila dahil naubusan na pala ng cash ang remittance center. May pagkakataon pang inulan na sila pero nakapila pa rin.

"Isang pila po ang hinihingi namin, kooperasyon pero ang gusto nila sila ang mauuna kasi nga po may hinihintay daw sila, may naghihintay daw sa kanila, magtatrabahao pa daw sila, pare-parehas po ang mga tao ditong nakapila, naghahanapbuhay, nawalan ng hanapbuhay, nawalang ng trabaho, nakapila dito kasi inaahasan nila ito," ani Jayson de Leon, SAP beneficiary.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa huli, napagkasunduan na salitan na lang sa pila ang dalawang grupo.

Dadalawa lang ang tauhan ng remittance center at walang guwardiya sa labas.

Pasado alas-12 ng tanghali na nang dumating ang cash ng remittance center at nabigyan ang unang 75 sa linya, habang ang iba ay binigyan ng numero para sa pila kinabukasan.

Mahalaga sa bawat isa na nawalan ng pinagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya ang cash aid, na P8,000 hanggang P16,000 depende kung nabigyan ng unang ayuda.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.