MECQ hindi na kailangang i-extend: doctors group | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MECQ hindi na kailangang i-extend: doctors group

MECQ hindi na kailangang i-extend: doctors group

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hindi na kailangang palawigin pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan matapos ang Agosto 18, ayon sa isang grupo ng mga doktor.

Sabi sa TeleRadyo ni Philippine College of Physicians (PCP) vice president Dr. Maricar Limpin, na-improve na nila ang blueprint para sa mas maayos na protocols laban sa COVID-19 at target nilang ilabas ito bago matapos ang MECQ.

Ayon kay Limpin, kailangan lang sundin ang nasabing blueprint para matiyak na hindi na muling tataas ang kaso ng COVID-19.

"Puwede namang mag-exist parehas 'yung kalusugan at kabuhayan... Kailangan lang pong siguruhin na 'yung mga programa ay andyan na po at nagawa na natin at kailangan ma-implement nang mabuti," ani Limpin.

ADVERTISEMENT

Sang-ayon din dito si Private Hospitals Association Philippines President Dr. Rustico Jimenez.

Pinakikinggan na aniya ngayon ng Department of Health ang boses ng mga eksperto kaya nakabubuo na ng mas maayos na paraan sa pagharap sa pandemya.

'MECQ EPEKTIBO'

Samantala, bumabagal na umano ang transmission rate o ang pagkalat ng COVID-19 sa Metro Manila, ayon sa University of the Philippines (UP) researchers.

Sabi ni professor Guido David ng UP-OCTA research team, epekto ito ng ipinatutupad MECQ.

Hindi pa aniya masyadong nararamdaman ngayon ang pagbagal dahil may delay ang epekto ng paghihigpit sa community quarantine.

Pero sa susunod na 2 linggo ay inaasahang makikita ang pagbagsak ng mga bagong kaso.

"Bumababa na ang tinatawag na reproduction number. Ibig sabihin, bumabagal na ang transmission. Dati nasa mga 1.5 sa NCR at Philippines, ngayon nasa 1.2. So malaki ang ibinaba niyan. Ang maganda is kung patuloy na mapababa yan, malapit na nating ma-flatten ang curve," ani David.

Sa pagtaya ng UP-OCTA research team, papalo sa 190,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.