'Maglalaba lang sana': Lalaking may epilepsy nalunod sa ilog sa Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Maglalaba lang sana': Lalaking may epilepsy nalunod sa ilog sa Laguna

Andrew Bernardo,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 02:59 PM PHT

NAGCARLAN, Laguna — Isang lalaki na may sakit na epilepsy ang nalunod sa ilog dito noong Linggo ng umaga.

Nagluluksa si Felicidad Balboa sa biglaang pagkamatay ng 24-anyos niyang bunsong anak na si Richard.

"Mabait po 'yan sa akin, malambing, di ko alam kung ano ang magagawa natin," ani Felicidad.

Nalunod ang binata sa ilog sa Barangay Sta. Lucia sa Nagcarlan. Naisugod pa siya sa ospital pero idineklara nang dead on arrival.

Hinala ng mga kaanak, inatake si Richard ng epilepsy kaya nalunod.

Kuwento ng kapatid na si Bryan Balboa, maglalaba lang sana ng damit si Richard kaya saglit nilang iniwan para bumili ng sabon.

Hindi niya akalain na 'yun na ang huling pagkakataong makasama ang kapatid.

Sa imbestigasyon ng pulis, mahigit isang oras nang palutang-lutang ang katawan ni Richard bago nadiskubre.

Posibleng inatake siya ng epilepsy.
Posibleng inatake siya ng epilepsy.
ADVERTISEMENT
Doble-ingat naman ang paalala ng mga pulis.

"Paalala ko lang po [sa] may sakit na epilepsy, huwag po nating pabayaang mag-isa lalo na ang insidenteng yun napunta ng ilog o sa matataas na lugar, pagsabihan muna natin na huwag pumunta sa ganung lugar at walang kasama," ani Police Staff Sgt. Ferdinand Bruno, imbestigador sa Nagcarlan police.

Sa tala ng Nagcarlan police, ngayong taon unang beses itong kaso ng pagkalunod.