Ilang jeepney drivers, operators nganga pa rin kakaintay ng ayuda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang jeepney drivers, operators nganga pa rin kakaintay ng ayuda

Doris Bigornia,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 07:45 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2020 12:01 AM PHT

MAYNILA — Noong isang linggo lang inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pasok sa social amelioration program (SAP) part 2 ang mga jeepney driver at operator na 5 buwan nang hindi nakakapasada.

Alinsunod ito sa pahayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27.

Pero hanggang ngayon, ni anino daw ng ayuda, wala umanong natatanaw ang mga tsuper.

Sabi ni Efren de Luna, presidente ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), labis na ang kanilang paghihirap.

"Mismong si Pangulo ang nagsabi na bigyan kami ng ayuda, eh hindi pala siya pinakikinggan ng DSWD, DOTr, at LTFRB... Wala na kaming pambayad sa renta ng mga terminal namin kaya mapipilitan kaming ilabas ang mga jeep namin at dun iparada sa gilid ng kalye. Wala na kaming pambayad eh," ani De Luna.

Panlilimos na lang at mga donasyon ang kanilang pantawid sa araw-araw at wala nang nakikitang pag-asang matutulungan pa sila.

"Kumapal na mga pagmumukha namin kasi andito ulit kami nanghihingi," ani Jude Recio, tsuper.

Ayon naman kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, talaga namang mabibigyan ang mga driver at operator sa paparating na ayuda, kaya lang ay dapat pasok sa mga rekisito.

Una, dapat nakapa-apply ang mga ito sa barangay at naisama ang pangalan nilang isinumite sa DSWD.
Una, dapat nakapa-apply ang mga ito sa barangay at naisama ang pangalan nilang isinumite sa DSWD.
ADVERTISEMENT
Ang DSWD ang bahalang kumpirmahin kung sino-sino ang makatatanggap.

Pero ayon sa mga tsuper, puro paasa at paikot lang anila ang natatanggap nila sa gobyerno.

"Alam naman namin 'yan... kaso kung saan saan kami tinuturo ng LTFRB at DOTr at ibang mga ahensya. Talagang hindi kami pinapakinggan," ani De Luna.

Sa huli, todo ang pagsusumamo nila na mapayagan na silang makabyahe pagtapos ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine.