Empleyado patay matapos sumabog ang nire-refill niyang oxygen tank | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Empleyado patay matapos sumabog ang nire-refill niyang oxygen tank

Mylce Mella,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 06:27 PM PHT

MAGARAO, Camarines Sur — Patay ang isang empleyado dito matapos siyang masabugan ng oxygen tank na kaniyang nire-refill noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si Noli Imperial, 27, at 2 taon nang nagtatrabaho bilang assistant plant operator.

"Nagkakarga ng oxygen doon sa tank ng acetylene. Ayun po bigla na lang sumabog kung saan tinamaan 'yung kanyang ulo at 'yung paa," kuwento ni Police Sr. Sgt. Freddie Brazil ng Magarao police station.

Sa lakas ng pagsabog, nabutas ang bubong ng refilling plant.

ADVERTISEMENT
Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Magarao, lumalabas na kinakalawang na ang tangke na kinakargahan ng oxygen ni Imperial.
"It was a 12 pounder na tanke, nung pagdating namin doon, tiningnan naming 'yung cylinder medyo corroded na talaga siya. Lumang luma na and then," ani Fire Officer 1 Flynnjose Barrameda.

Maiiwasan daw sana ang insidente kung tinanggihan agad ng estabilisimyento ang dinalang kalawangin na tangke.

Bukod sa kalawang, may isa pang dahilan ang pagsabog ng tangke.

"Iyung valve switch ng cylinder naka-close siya. It is an indication na may laman na ng oxygen yung tangke. Tinitingnan namin na over all cause ay overloading nung tangke at sobrang luma na," ani Barrameda.

Nitong Lunes ng madaling araw ay pumanaw ang biktima.

Sa record ng BFP-Magarao, hindi nabigyan ng fire safety inspection certificate ngayong taon ang establisimyento dahil sa kakulangan nito ng sprinkler system.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kuhanan ng pahayag ang pinagtatrabahuhan ni Imperial na Magarao Air Products (MAPRO) pero wala daw maaaring magbigay ng komento, ayon sa isang guwardya.