COVID-19 cases sa Bangsamoro region sumampa sa 500; local transmission naitala | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Bangsamoro region sumampa sa 500; local transmission naitala

COVID-19 cases sa Bangsamoro region sumampa sa 500; local transmission naitala

Arianne Apatan,

ABS-CBN News

Clipboard

MARAWI CITY — Umabot na sa 500 ang mga naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at pinakamarami ang sa Lanao del Sur kung saan mayroon na umanong local transmission.

Nababahala ang residenteng si Abdari Majir nang malamang mayroon ng local transmission ng COVID-19 sa kanilang lugar sa Marawi City.

"Kami dito sa Lanao, lalo na dito sa Marawi, nababahala sa pandemic na COVID-19 kaya para maiwasan ang sakit na 'to, [we] observe social (distancing), laging magsuot ng face mask, at maghugas ng kamay," sabi ni Majir.

Sa kabila naman ng COVID-19 local transmission, tuloy lang sa pagsisilbi ang mga frontliner sa Marawi.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Ministry of Health-BARMM, nakapagtala ng 21 local transmission ng COVID-19 sa Lanao del Sur.

Tatlo rito ang pumanaw, habang ang natitirang 18 ay pawang mga active cases.

"Hindi na nila ma-trace kung saan ito galing like walang history of travel, walang history of contact. 'Di na ma-trace, di ma-locate. 'Pag ganon, we can only surmise that this is a local transmission," ani Dr. Ameril Usman, head ng epidemiology surveillance unit ng MOH-BARMM.

Bukod sa 210 confirmed cases sa Lanao del Sur, na siyang pinakamarami sa rehiyon, may 103 rin sa Basilan, 51 sa Maguindanao, 12 sa Sulu, at 4 mula sa Tawi-Tawi.

Nasa 120 naman ang mula sa mga locally-stranded individuals na nakapag-quarantine na sa Maguindanao.

Sa 500 confirmed cases sa rehiyon, 11 ang pumanaw, 374 ang nakarekober na, at 116 ang active cases.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.