Budget nasasaid na: Mga pantalan di na umano kayang sustentuhan ang LSIs | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Budget nasasaid na: Mga pantalan di na umano kayang sustentuhan ang LSIs

Jacque Manabat at Jeck Batallones,
ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 05:11 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2020 08:45 PM PHT

MAYNILA — Nasa mahigit 200 pasaherong nais umuwi ng probinsya ang stranded ngayon sa pantalan habang wala pang biyahe dahil sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.

Wala nang trabaho at sinasaktan umano siya ng kanyang mister kaya nagpasya si alyas "Grace" na umalis na sa Maynila at bumalik sa Palawan kasama ang mga anak.

Pinadalhan siya ng pera pambili ng tiket at dapat paalis na noong Agosto 7 pero inabutan sila ng MECQ.

"Wala na halos pang gatas anak ko na-stranded pa nang tatlong linggo. Gusto ko na talaga umuwi para matulungan ako ng magulang ko," ani Grace.

Si Criseta Pasilong naman, pauwi na ng Surigao dahil pinalayas ng kanyang amo. Ngayon, nakikipagsiksikan siya sa loob ng isang container van sa Zaragoza gate ng Manila North Harbor Port.

"Pinaalis ako kasi nag-rapid test lang ako, tapos sabi umalis na ko baka may-COVID ako, 'yung mga damit ko po andun na sa labas," aniya.

Tiniis ng mga locally stranded individuals (LSI) ang mabasa dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong Lunes.

Patuloy ang pagdating sa pantalan ng mga gustong umuwi na sa probinsya sa pamamagitan ng Hatid Tulong program, kahit na mga walang pa silang tiket.

Ang problema, wala nang schedule at inabutan pa ng MECQ kaya tengga sila ngayon sa ports.
Ang problema, wala nang schedule at inabutan pa ng MECQ kaya tengga sila ngayon sa ports.
ADVERTISEMENT
"We will probably have to wait kung kelan ulit magkaroon ng schedule ang Hatid Tulong and they will have to sign up there... Ang challenge kasi ngayon pumupunta ang mga tao eh hindi naman tayo handa sa ganyan... Wala sa ano yan eh, wala sa protocol, 'yung tao na pupunta dyan na unticketed at iistambay dyan," ani Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago.

Nasa 272 ang LSI ngayon sa pier at hinati sila sa tatlong lokasyon.

Hiwalay ang may ticket, mga senior at babae, at nakahiwalay din ang mga wala pang tiket.

"Karamihan sa mga destination nila na probinsya naka-moratorium at hindi muna tumatanggap ng mga LSI o inbound passengers," ani Santiago.

Aminado ang PPA na hirap na sila sustentuhan o suportahan ang mga stranded na walang tiket dahil kapos sa budget.
Aminado ang PPA na hirap na sila sustentuhan o suportahan ang mga stranded na walang tiket dahil kapos sa budget.
ADVERTISEMENT
Pero kung may ticket na ay papakainin naman ng shipping company dahil nakasaad ito sa passenger bill of rights.

"Ang PPA kumpara dun sa mga naunang lockdown natin ay meron pa tayong mga resources para mag-provide dyan pero right now... di natin kakayanin tuluyang i-support o i-sustain ang unticketed LSIs," ani Santiago.

Panawagan ni Santiago na huwag na munang magtungo sa ports ang mga wala pang ticket.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
pantalan
LSI
modified enhanced community quarantine
MECQ
pandemya
pandemic
Manila North Harbor Port
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT