5 miyembro ng 'Budol-budol gang', arestado sa CDO | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 miyembro ng 'Budol-budol gang', arestado sa CDO

5 miyembro ng 'Budol-budol gang', arestado sa CDO

ABS-CBN News

Clipboard

Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO—Naaresto sa Cagayan de Oro nitong Huwebes ang 2 lalake at 3 babae na pinaniniwalaang miyembro ng Budol-budol gang.

Ayon kay Police Capt. Tessie Lleva ng Cogon Police, nahuli ang mga suspek nang respondehan ng mga pulis ang pagnanakaw sa loob ng isang mall.

Nagtangka pang tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang getaway vehicle pero naharang ang mga ito, dagdag ni Lleva.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing Davao City ang mga suspek pero sa Cagayan de Oro umano ito nambibiktima simula pa noong 2017.

ADVERTISEMENT

Modus operandi umano ng mga suspek ang mambiktima ng mga senior citizen na babae sa loob ng mall o bangko.

"Pagkatapos makuha 'yung loob, magpapakita ngayon ng cash money pero 'yung sa cash money is 'yung budol money meaning fake, sa harap lang 'yung original pero the rest is fake. Ang ginagamit nilang budol is 'yung grade 4 na papel," ani Lleva.

Narekober mula sa mga inaresto ang mga budol money, baril, granada at iba pang paraphernalia.

Sa record ng Cogon Police, tinatayang higit P300,000 na ang nasamsam ng mga suspek mula sa iba't ibang biktima.

"Whatever na makuha nila na cash or jewelry na puwede nilang makuha sa matanda, kinukuha nila," ani Lleva.

Itinanggi naman ng mga suspek ang ibinibintang sa kanila.

Plano na muna ng pulisya na sampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang mga suspek.—Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.