Nasa P7 bilyong halaga ng shabu, naipuslit sa Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2018 11:37 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Apat na malalaking magnetic lifter ang tumambad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang salakayin nila ang isang warehouse sa Bgy. F. Reyes sa General Mariano Alvarez, Cavite nitong Miyerkoles.
    
Wala na itong mga laman, pero sa tulong ng K9 units, napagtanto ng PDEA na dating shabu ang nakasilid sa mga ito.

Ini-report ng caretaker ng warehouse ang mga magnetic lifter matapos mapanood ang balita tungkol sa nasamsam na shabu sa Manila International Container Port (MICP) kamakailan.

Sa imbestigasyon ng PDEA at ng Philippine National Police, Mayo nang rentahan ng ilang Chinese ang warehouse sa halagang P150,000 kada buwan.

Pagpasok ng Hulyo, nagdatingan na ang mga kargamento at marami nilang kasama.

"The Chinese syndicates arrived in this warehouse July 13. And they unloaded illegal drugs on July 15. It took only about 3 hours, 4 hours to unload everything," saad ni PDEA Director General Aaron Aquino. 

Nakunan din ng mga CCTV ang pagpasok at paglabas ng isang container truck at apat na SUV na pinaniniwalaang may dala sa nasabing shabu.

Sa pagtataya ng PDEA, nasa isang tonelada o P6.8 bilyon ang halaga ng mga shabung nakolekta mula sa mga lifter na hindi na alam kung saan hahanapin ngayon.

Konektado rin umano ang kasong ito sa mga nasabat na shabu sa MICP dahil sa pagkakapareho ng mga magnetic lifter at mga ginamit na packaging at cables.

Sinisikap nang matunton ng PDEA ang mga nagdala ng droga na pinaniniwalaang miyembro ng malaking international drug syndicate na "Golden Triangle."

Nagbigay din ang PDEA ng retrato ng pinaniniwalaang liaison ng sindikato sa Pilipinas na si Chao Yue Wah na gumagamit ng tat

Hindi naman naiwasang maglabas ng sama ng loob si Aquino sa mga umano'y tiwaling empleyado ng Bureau of Customs na maaaring nagpalusot sa kargamento.

—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.