Paano malalaman kung matipid sa kuryente ang appliance? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano malalaman kung matipid sa kuryente ang appliance?

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 07:02 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2017 12:01 AM PHT

Palalagyan ng 'star rating' ng Department of Energy (DOE) ang mga ordinaryong appliances bilang gabay sa mga consumer sa konsumo nito sa kuryente.

Uutusan na ng DOE sa mga susunod na buwan ang mga manufacturers na lagyan ng tinatawag na 'star rating' ang mga appliances.

Kapag maraming stars, ibig sabihin ay mas matipid ang kunsumo sa kuryente.

Samantala, kinumpirma rin ng DOE na mas matipid nga sa kuryente ang inverter technology sa refrigerator, washing machine at air conditioner.

ADVERTISEMENT
Pero paalala ng DOE sa mga consumer, sipatin pa rin ang mga alok na inverter technology dahil hindi ito pare-pareho at itanong din kung ano ang energy efficiency ratio (EER) ng bibilhing appliances.

Paliwanag ni Engr. Isagani Soriano ng DOE, mas makatitipid kung mataas ang EER ng appliances.

Nakalagay naman sa orange tag ng Meralco ang gastos sa kuryente sa kada gamit ng appliance. Pero totoo, anila, na nakababawas sa konsumo ang inverter type.

Naglabas ng table ang Meralco na naglalaman ng type ng air con, kunsumo sa kuryente at kung magkano ang installment kung hulugan ang bayad.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT