Negosyante patay sa pamamaril sa Tagum City | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Negosyante patay sa pamamaril sa Tagum City

Negosyante patay sa pamamaril sa Tagum City

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Mankilam, Tagum City, tanghali ng Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Jaime Magnanao, 49, na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Katatapos lang ng blessing at opening ng bagong negosyong motorshop ni Magnanao nang biglang tumigil ang isang van sa harap ng establisimyento, at pinagbabaril siya ng isa sa mga pasahero, ayon sa imbestigasyon.

Nakapaputok pa umano ng baril ang mga bodyguard ng biktima pero mabilis na nakatakas ang van.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Lt. Col. Jed Clamor, hepe ng Tagum police, away sa negosyo o personal na galit ang ilan sa mga tinitingnang motibo sa krimen.

Bumuo na ng tracker team ang pulisya para matukoy ang mga salarin. -- Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.