Makati gov't may programa para sa mga gurong nawalan ng trabaho | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Makati gov't may programa para sa mga gurong nawalan ng trabaho

Makati gov't may programa para sa mga gurong nawalan ng trabaho

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — May alok na kabuhayan ang Makati city government para sa mga gurong nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang pribadong paaralan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa public information office ng lungsod, kasalukuyang naghahanap ang pamahalaang lokal ng mga tauhan para sa ilulunsad na Makati Mobile Learning Hub Project.

Ang naturang proyekto ay isang educational platform na iikot sa iba-ibang bahagi ng lungsod para tulungan ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang na makasabay sa blended learning.

Target ng programa ang mga kabataan na walang gadget o ano mang learning tool, at mga magulang na mahihirapang gabayan at turuan ang kanilang mga anak gamit ang self-learning modules.

ADVERTISEMENT

Ang bawat hub ay lalagyan ng mga laptop at internet connection, pati ng mga libro at supplementary materials na maaaring hiramin ng mga magulang.

Kailangan umano sa proyekto ng mga guro na aantabay para magbigay ng tutorials sa mga nais magpaturo.

Maaring mag-apply ang interesado sa website na GuroDyipniMaki hanggang August 15.

Humina ang enrollment sa mga pribadong paaralan para sa darating na school year, na tingin ng Department of Education ay dahil sa epekto ng pandemya sa kita ng mga pamilya.

Nakatakdang mag-umpisa ang school year sa Agosto 24.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.