Mag-asawang umano'y online scammer, arestado sa Negros Oriental | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-asawang umano'y online scammer, arestado sa Negros Oriental

Mag-asawang umano'y online scammer, arestado sa Negros Oriental

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Inaresto Linggo ng madaling araw sa Sta. Catalina, Negros Oriental ang mag-asawang Elmer at Mary Rhonaline Tinambacan na wanted sa kasong estafa at syndicated estafa.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ariel Huesca, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group - Negros Oriental, kilalang mga online scammer ang mag-asawa.

Isang complainant umano ang nagsumbong sa kanila matapos siyang ma-scam ng P6 milyong ng mag-asawa at P18 milyon naman sa kaniyang kasama.

May dalawang kaso ng syndicated estafa ang mag-asawa sa Iloilo City at may dagdag na kasong estafa naman ang mister sa Nueva Vizcaya.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Huesca, posibleng marami pang mga nabiktima ang mag-asawang Tinambacan na ang modus ay ang lokohin ang mga biktima nila online.

Maliban sa warrant of arrest sa mag-asawa, inaresto rin ang ama ni Elmer matapos makuha sa kaniya ang isang caliber .40 Glock na may isang long magazine at dalawang short na may 54 na mga bala.

Isinuko rin ni Elmer sa awtoridad ang kaiyang caliber .45 pistol, isang magazine nito at 24 na mga bala, pati na ang kaniyang home-made shotgun na may dalawang magazine at sampung mga bala.

Nasa kustodiya na nang CIDG - Negros Oriental ang mag-asawa at ang ama ni Elmer.

Dagdag na kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang isasampa laban kay Elmer at sa kaniyang ama.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.