Babaeng stranded sa labas ng Batangas port nanganak sa jeep | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng stranded sa labas ng Batangas port nanganak sa jeep

ABS-CBN News
Published Aug 09, 2020 04:15 PM PHT
|
Updated Aug 09, 2020 06:28 PM PHT

MAYNILA — Isang babaeng stranded sa labas ng Batangas International Port ang naabutan ng panganganak sa loob ng jeep na kasalukuyang tinutuluyan nila ng kaniyang pamilya.

Dala ang lahat ng gamit, siksikan sa loob ng jeep ang buong pamilya ng tsuper na si Pedro Palustre Jr. at misis niyang si Madelyn.

Pinaalis kasi sila sa inuupahang bahay sa Biñan City, Laguna dahil wala na umanong pambayad ng renta.

Higit 4 na buwan na rin kasing walang biyahe si Palustre dahil sa lockdown kaya nagpasya na lang silang umuwi ng Oriental Mindoro.

Pero na-stranded ang pamilya sa labas ng Batangas port dahil wala silang dalang travel authority at medical certificate.

Noong Biyernes, sa loob ng jeep na inabutan ng panganganak si Madelyn.

"Noong pumunta kami sa ospital sa region, puno na daw, naghanap kami ng lying-in [clinic], wala po kaming makita kaya sa jeep na ako inabot," kuwento ni Madelyn sa ABS-CBN News.

Balak munang makituloy ng pamilya ni Palustre sa kapatid nito sa Batangas habang hinihintay kung kailan sila maaaring makabiyahe.

Kahit pa makauha ng travel authority at certificate, hindi pa rin papayagang makatawid ang pamilya lalo at galing sila sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.

"Kung kayo po ay manggagaling ng Laguna, Cavite, NCR (National Capital Region), Bulacan, Rizal, huwag na muna po kayong babiyahe," sabi ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor.

Pinapayagan naman ang pagbiyahe ng mga locally stranded individual na galing sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ, pero kailangan munang hintayin ang confirmation text o email.

Nasa 100 LSI ang nakatengga ngayon sa isang gusali sa Batangas port dahil walang confirmation ang biyahe.

Sa tala ng provincial government ng Oriental Mindoro, higit 20,000 LSI na ang nakapasok sa lalawigan habang higit 1,000 naman ang OFW.

-- Ulat ni Andrew Bernardo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
locally stranded individual
Batangas City
Batangas port
Batangas International Port
Oriental Mindoro
modified enhanced community quarantine
COVID-19
COVID-19 pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT