116 bahay, naka-seal-off sa Bacolod City dahil sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
116 bahay, naka-seal-off sa Bacolod City dahil sa COVID-19

Nico Delfin,
ABS-CBN News
Published Aug 09, 2020 08:13 PM PHT

BACOLOD CITY - Aabot sa 116 na mga bahay ang naka-seal-off sa magkakaibang purok sa Bacolod City dahil sa mga kaso ng COVID-19.

May 46 na pamilya ang apektado sa ipinatupad na seal-off sa Purok Cordova sa Barangay 18 sa Bacolod City ngayong Linggo.

Ayon kay Barangay Kagawad Jonathan Diaz, kabilang rito ang mga pamilyang nanunuluyan sa boarding houses kung saan nangungupahan ang isang hospital personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Nailipat na sa quarantine facility ang lalaking pasyente kasama ng dalawa pa niyang roommate na co-workers.
Nailipat na sa quarantine facility ang lalaking pasyente kasama ng dalawa pa niyang roommate na co-workers.
ADVERTISEMENT
May 70 naman na mga bahay ang nai-seal-off sa Purok Boulevard na nasasakupan ng Barangay 13 at 14 matapos may mag-asawang residente ang nagpositibo sa COVID-19.

Nitong Biyernes sinimulan ang seal-off sa nasabing lugar.

Ayon kay Barangay 13 Punong Barangay Andre Familiaran, nasa ospital na ang mag-asawang pasyente matapos nanganak ng sanggol ang babae. Nag-negatibo naman sa virus ang kanilang anak.

Sa loob naman ng headquarters sumailalim sa 14-day quarantine sina Bacolod City Police Office Director Police Colonel Henry Biñas at dalawa pang mga pulis.

Ayon kay Biñas kabilang ito sa ginawa nilang precautionary measure matapos malaman na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga authorized person outside residence (APOR) na kanilang sinamahan.

Samantala, nadagdagan naman ng dalawang COVID-19 related deaths ang Western Visayas.

Sa tala ng Department of Health VI, kabilang sa mga namatay ang 57 anyos na lalaking taga-Bacolod at isang 61 anyos na lalaking taga-Silay City.

May 31 na ang total death sa rehiyon base na rin sa COVID-19 case bulletin ng DOH 6.

Read More:
Bacolod City
seal-off
lockdown
coronavirus
COVID-19
coronavirus Bacolod City update
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT