Curfew sa QC, mananatili; curfew sa Manila, Navotas, ipinahinto ng Korte | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Curfew sa QC, mananatili; curfew sa Manila, Navotas, ipinahinto ng Korte

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2017 02:44 AM PHT

Pinagtibay ng Korte Suprema nitong Martes ang pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad sa Quezon City, samantalang ipinatigil naman ang halos kaparehong ordinansa sa Manila at sa Navotas dahil sa ilang probisyon nitong tumataliwas sa Konstitusyon.

Umaayon sa Konstitusyon at sumusunod sa mga tuntuning nakasaad sa batas ang Ordinance No. SP 2301, Series of 2014 ng Quezon City na kaugnay sa pagpapatupad ng curfew sa kanilang lungsod, ayon kay Associate Justice Estela Perlas-Bernabe.

Simula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kampanya kontra droga noong nakaraang taon, tuluyan na ring ipinatupad ang ordinansang ito sa lungsod kung saan bawal na sa kalsada nang walang kasamang matanda ang mga menor de edad simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Tinutulan naman ito noon ng grupong Samahan ng mga Progresibong Kabataan (SPARK) na nagpetisyon sa Korte Suprema na itigil ang implementasyon nito.

ADVERTISEMENT
Hindi rin sang-ayon ang nasabing grupo sa pagpapatupad ng curfew sa lungsod ng Manila at Navotas na nagbabawal din sa mga menor de edad na gumala sa mga kalsada nang walang kasamang bantay na matanda mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Nakita naman ng Korte na mayroong ilang isyu sa probisyon ng pagpapatupad ng mga ordinansa ng dalawang lungsod, kaya ipinahinto ang pagpapatupad ng Ordinance No. 8046 ng Manila, at Pambansang Ordinansa Blg. 2002-13 ng Navotas.

Tumataliwas kasi sa Section 57-A ng RA 9344 o ang Juvenile Delinquency Act ang mga parusang multa at pagpapakulong sa mga lumalabag na menor de edad sa ordinansa ng Maynila.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
curfew
balita
Korte Suprema
Samahan ng mga Progresibong Kabataan
Quezon City
Manila
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT