Madulas na tiles sa mga eskinita sa Marikina inirereklamo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Madulas na tiles sa mga eskinita sa Marikina inirereklamo

Madulas na tiles sa mga eskinita sa Marikina inirereklamo

ABS-CBN News

Clipboard

Isa ang eskinitang ito sa Barangay IVC na kasalukuyang nilalagyan ng tiles na umano'y madulas. Larawan mula kay Eule Bonganay


MAYNILA - Inirereklamo ng mga residente ang madulas na tiles na kasalukuyang ikinakabit sa mga iskinita sa Sitio Olandes sa Barangay Industrial Valley Complex sa Marikina.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Eule Bonganay, secretary-general ng Salinlahi Alliance for Children's Concern, una nilang nakita ito nang bisitahin nila ang kanilang member organization na Batibot Early Learning Center sa naturang lugar.

"Nakakabahala na dahil sa ginagawang proyekto ay nagdudulot ito ng disgrasya sa mga residente at ang very vulnerable sa ganito ay mga bata at matatanda," sabi ni Bonganay sa panayam sa DZMM Miyerkoles ng umaga.

Sabi ni Bonganay, may mga bata at maging matatanda na ang nadulas dahil sa mga makinis na tiles na tila tulad ng mga ginagamit para sa mga banyo.

ADVERTISEMENT

"Hindi naman tayo kumokontra kung ang intention ay pagandahin o ayusin ang ating mga kalsada pero siyempre sa pamamaraan na hindi magdudulot ng kapahamakan na makakasakit sa mga residente," dagdag niya.

Nangako naman si Marikina City 1st District Rep. Bayani Fernando na aaksiyunan ang reklamo ng mga residente sa lugar hinggil sa kaniyang proyekto.

Matatandaang nag-post ukol sa proyekto si Fernando sa kaniyang Facebook page noong Pebrero.

"'Wag mabahala ang lahat dahil tinitingnan namin yung kung paano aalisin 'yung konting kintab nun. 'Pag ginaspangan natin hindi lilinis 'yan, mahirap linisin," sabi niya.

Inihahanda na lang umano ang mga kagamitan para sa pag-aalis ng kintab ng tiles.

ADVERTISEMENT

Sabi ni Fernando, makinis nga ang tiles pero hindi naman para makadulas ng tao. Ito aniya ay inimport pa mula sa bansang China.

"Inimport pa nga 'yan. Pang exterior talaga 'yan kaya nga nagtataka ako ba't maraming nadudulas kaya tinitingan namin yun," sabi niya sa parehong panayam.

Dagdag niya na tanging pakay niya ay maglagay ng proyekto na madaling linisin.

"Para palaging malinis. Ang mga tao maturuan at masanay sa malinis na kapaligiran," sabi niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.