4 patay sa sunog sa Pasay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 patay sa sunog sa Pasay
4 patay sa sunog sa Pasay
Fred Cipres,
DZMM
Published Jul 28, 2016 09:17 AM PHT

175 pamilya nawalan ng bahay
175 pamilya nawalan ng bahay
4 patay kabilang ang 3 bata sa sunog sa Wella Compoud, Sitio Pagasa, Pasay City kagabi | via @RPfredcipres pic.twitter.com/Lv1Tq76iRe
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 27, 2016

MANILA - Apat ang patay, kabilang ang tatlong bata, matapos masunog ang isang residential area sa Sitio Pag-asa, Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasawi ang tatlong magkakapatid na paslit matapos maiwan sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Wella Compound.

Sinasabing nataranta ang ina ng mga biktima kaya hindi niya nadala palabas ng kanilang bahay ang mga anak na edad 8, 5 at limang buwan.

Nagtamo ang ginang ng third degree burns.
Nagtamo ang ginang ng third degree burns.
ADVERTISEMENT
Natagpuan naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng ika-apat na biktima sa hiwalay na lugar. Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan nito.

Nasa 75 bahay ang natupok sa sunog na nagsimula alas-10 ng gabi at umabot sa Task Force Delta.

Inireklamo ng ilang nasunugan ang mabagal umanong pagkilos ng mga bumberong unang rumesponde.

Aminado naman ang BFP na nahirapan silang pasukin ang lugar dahil sa sikip ng nga eskinitang daraanan.

Naubusan din umano ng tubig ang mga truck ng bumbero kaya may pagkakataon na huminto sila sa pagpatay sa apoy.

Apektado ang nasa 175 pamilya sa insidente.

Sinasabing napabayaang kandila ang sanhi ng sunog.

Idineklarang under control ang apoy bandang alas-3 Huwebes ng madaling-araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.