VIRAL: Tulang handog para sa mga sundalo sa Marawi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Tulang handog para sa mga sundalo sa Marawi

Aleta Nieva Nishimori,
ABS-CBN News
Published Jul 26, 2017 04:01 PM PHT

Isang sundalo ang nagparating ng kanyang mensahe ng pakikiisa sa mga kasamahang patuloy na nakikipagbakbakan sa natitirang kasapi ng Maute group sa Marawi City.

Idinaan ni Private First Class Johnson Melitado ang pakikiisa sa mga kasama sa pamamaraan na kabisado niya: ang pagtula.

Nitong Martes, na-upload ni Melitado sa Facebook ang kanyang spoken word video na "Pilipinong Sundalo" bilang papugay sa mga kasamahang "nagbuwis ng buhay, lumalaban para sa kapayapaan, katahimikan at seguridad ng bansa, lalo na sa Marawi City".

"Before ko po na start gawin yan, I was inspired sa mga kasamahan ko sa Marawi City and sa iba. Hindi man kami na-assign sa Marawi, I find a way na kahit papaano naman, sa art ng tula, doon ko na lang maibahagi ang aking tulong," sabi ni Melitado sa panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT
Mag a-apat na taon nang sundalo ng Philippine Army si Melitado na naka-assign sa 73rd Infantry Battalion sa Davao Occidental.

Ayon sa kanya, maging noong buhay-sibilyan pa siya, hilig na niya ang pag-rap.

"Sumusulat pag inspired, broken hearted o in love. Noong dumating ako sa pag sundalo, parang i-mix ko na lang yung pagiging artist ko at pagmamahal sa bayan," sabi niya.

Ang pag-rap, at ang unang pagsubok sa spoken word, ay isang daan niya upang mailabas ang kanyang nararamdaman.

"This is my first time na gumawa ng spoken words talaga po. Nag-research ako about spoken words and how to deliver," sabi niya.

"Pag sundalo ka, nasa camp ka lang, walang ibang outlet kaya sulat lang. That's one way of expressing my feelings," dagdag niya.

Pakikiisa at hindi magpasikat ang layunin ng kanyang mensahe.

Bagama't kalahating araw lang nila ginawa ang pagkuha ng video habang siya ay tumutula, sa tulong na din ng dati na niyang kasamahang local artists, inabot naman ng buwan ang pagbalangkas niya sa mismong lalamanin ng tula.

"Paggawa ko ng sulat, matagal po. Nung kaka-start lang ng balita ng Marawi, mga May. Hindi naman siya natapos agad. Hanggang July, first week, natapos ko talaga," sabi niya.

Sa ngayon, umabot na sa higit 23,000 ang mga nakapanood ng kanyang video sa Facebook. Ito naman ay nai-share din ng higit sa 1,000 beses at umani ng papuri mula sa mga netizen.

"Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging output. Basta ako, gusto ko lang mag-share. Nagulat na lang ako paggising ko ng umaga," paliwanag niya.

Hindi na bago kay Melitado ang mag post sa Facebook ng video na magba-viral. Noong nakaraang taon, nakapag-compose din siya ng rap patungkol pa rin sa serbisyo niya bilang sundalo. Ito umano ang unang gawa niyang nag-viral. Umabot sa higit 3 milyon ang nakapanood nito at nai-share ng higit din sa 97,000 beses.

Umabot na sa 607 ang kabuuang kataong nasawi sa bakbakan sa Marawi, kabilang na dito ang 109 mga sundalo, 453 na terorista at 45 na sibilyan.

"Sa mga kasama ko na kasundaluhan na nandoon pa sa Marawi, just pray lang po. Alam ko naman po na ang lahat ng bagay may purpose at may kadahilanan at hindi naman sila iiwan ng may kapal. Maniwala lang po sila. Believe lang sa panginoon at magkakaroon din tayo ng peace," sabi niya.