Apela ng taga-Marawi sa Kongreso: 'Kumustahin niyo naman kami' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Apela ng taga-Marawi sa Kongreso: 'Kumustahin niyo naman kami'

Apela ng taga-Marawi sa Kongreso: 'Kumustahin niyo naman kami'

ABS-CBN News

Clipboard

Sumentro sa lagay ng mga 'bakwit' ang diskurso ni Sen. Grace Poe sa sesyon ng Kongreso tungkol sa pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Hiniling ng senadora sa sesyon na iharap ang dalawang kinatawang tatalakay sa lagay ng mga residenteng apektado ng bakbakan sa Marawi.

Unang sumalang si Samira Gutoc-Tomawis na isa sa convenor ng Ranao Rescue Team.

Kuwento ni Gutoc-Tomawis, may dalawang insidenteng tila nalabag ang karapatang pantao ng mga sibilyang tumatakas sa karahasan.

ADVERTISEMENT

Sa isang insidente, kinuwestiyon umano ng mga awtoridad ang isang 'special child' kung may koneksiyon siya sa terorismo.

Sa isa pang insidente naman, sinabi ng isa sa mga sibilyang nakatakas sa gulo na piniringan daw ng mga awtoridad ang kanilang mga mata habang naglalakad. Sinabihan din umano sila na 'maghukay na ng kanilang libingan' dahil sa tila pag-uugnay sa kanila sa mga terorista.

"I am from Marawi city, please ask us 'how do we feel?'" maluha-luhang sambit ni Gutoc-Tomawis sa Kongreso.

Maging mga buntis din daw, tila walang kawala sa pagsususpetsa ng mga kinauukulan.

"Two pregnant women in Pagadian were asked to be taken in by the PNP in the city government of Pagadian office because they were holding in their baggage a dextrose. Bawal po ba ang dextrose sa isang buntis na babae? Because ang faith healer niya sinabing 'may dextrose ka dapat, baka manganak ka'. They were taken in for a whole day of questioning," kuwento ni Gutoc-Tomawis.

ADVERTISEMENT

Ipinunto rin niya ang mistulang kalapastanganan sa Islam dahil hindi naililibing ang labi ng mga nasawing sibilyan.

"What if it was your grandfather na hindi po inilibing? Sa Islam, one day lang po, hindi puwede, bawal sa Islam, the highest form of prohibition... hindi po puwedeng iwanan na hindi buried ang katawan."

Batid naman daw ni Gutoc-Tomawis na may digmaan kaya hindi na nabibigyang pansin ang paglilibing sa mga nasawi.

Pero sana raw, bigyang respeto pa rin ang kanilang mga pinaniniwalaan alinsunod sa Islam.

Sumalang din si Chito Gascon, chairman ng Commission on Human Rights.

ADVERTISEMENT

Aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kinatawan sa ARMM para beripikahin ang reklamo ng paglabag sa karapatang pantao sa evacuation centers.

Parami na raw nang parami ang natatanggap nilang reklamo tungkol sa trato sa ilang 'bakwit' mula sa Marawi.

Hiningi ng Kongreso na isumite ng CHR ang buong ulat nila.

Sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na lahat naman ng mga reklamo tungkol sa karapatang pantao ay biniberipika pa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.