LLDA kakasuhan 5 iba pang kompanya sa paligid ng lawa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LLDA kakasuhan 5 iba pang kompanya sa paligid ng lawa

LLDA kakasuhan 5 iba pang kompanya sa paligid ng lawa

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nakatakdang habulin ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang lima pang kompanya na ilegal umanong nago-operate sa paligid ng lawa.

Ito ang ibinunyag ni LLDA General Manager Jaime Medina sa DZMM Huwebes ng umaga. Tumanggi muna siyang tukuyin ang mga kompanya.

"Sa susunod na mga araw, may bagong limang mga kompanya na sasampahan namin ng kaso at ganito rin ang aming pinaghahandaan," banggit ni Medina sa DZMM Huwebes ng umaga.

Ito'y kasunod ng pag-isyu ng ahensiya ng cease and desist order sa dalawang kompanya na nago-operate at nagsagawa umano ng ilegal na reklamasyon sa bahagi ng lawa na sakop ng Taguig.

ADVERTISEMENT

Ang IPM Construction and Development Corp at Level Up Construction and Supply Inc ay nangongolekta ng mga basura mula sa mga lungsod ng Taguig, Pasay, Quezon at Maynila.

Pero giit ng LLDA, walang permit ang isinagawang reclamation ng mga kompanya mula sa kanila, sa city goverment ng Taguig o maging sa Philippine Reclamation Authority.

May halo rin umanong basura ang backfill material o ang lupang itinambak sa pagre-reclaim. Bagsak rin sa water quality testing ang bahagi na iyon ng lawa dahil sa paghalo ng basura sa tubig.

Itinanggi naman ito ng legal counsel ng IPM. Hindi umano sila nagtatambak ng basura at walang reclamation din silang ginagawa sa lugar na kanilang nirentahan lamang sa isang pamilya.

"Kitang-kita naman kung sino ang may kakayahan na magsagawa ng massive illegal reclamation," sagot naman ni Medina.

ADVERTISEMENT

Pahayag naman ng abogado ng pamilyang nagmamay-ari umano sa lupa, titulado ang lupain at handa silang maglabas ng mga dokumento sa tamang lugar at panahon.

Sa kabila nito, handa ang LLDA sa legal challenges na haharapin mula sa mga kompanya. Sa katunayan umano ay nagsimula na ito.

"Ang ginagawa natin ay para sa kalagayan at kabutihan ng Laguna Lake," ani Medina.

Ayon sa kaniya, inapela na ng kompanya sa Office of the President ang administrative order na kanilang inisyu.

"Mayroon kaming isinampang mga kasong kriminal laban diyan sa mga kompanyang 'yan... ngayon ay dinidinig at may preliminary investigation doon sa piskalya sa siyudad ng Taguig," ani Medina.

ADVERTISEMENT

Pero ang ikinalulungkot umano ni Medina ay ang pagsasampa ng kaso upang makakuha ng injunction sa Court of Appeals.

"'Yung ginagawa ng LLDA na pagtatanggal ng illegal fishpen, 'yun din ay naisyuhan ng injunction, ng TRO (temporary restraining order) ng Court of Appeals kaya ngayon, mayroon diyan siguro mga 1000 ektarya na hindi namin magalaw kahit ilegal, kahit walang permit," sabi niya.

Hinahawakan na aniya ng Office of the Solicitor General ang kaso sa CA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.