‘Kailangan naming mamugot’: 17 anyos mandirigma ng Maute | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Kailangan naming mamugot’: 17 anyos mandirigma ng Maute

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2017 03:38 PM PHT
|
Updated Jul 09, 2017 10:37 PM PHT

Ikinuwento ng binatilyong rebelde kung paano siya napasama sa Maute group na naghasik ng karahasan sa Marawi. Sinabi niya rin na bago pa sumiklab ang gulo, matagal na silang nakapagplanta ng mga supply ng bala sa iba’t ibang bahay sa lungsod.

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang isang binatilyong mandirigma ng Maute group.

Nahuli ang 17 anyos na alyas ‘Faisal’ sa isang kalapit na bayan ng Marawi. Aniya, 10 taong gulang pa lang siya nang magsimulang magsanay sa pakikidigma. Isa umano siya sa mga tauhan ni Abdullah Maute na kabilang sa mga namuno sa pag-atake sa Marawi.

"Sabi nila, ‘sino magsama mag-jihad kasi lahat ng mga babae sa atin pinatay, lahat ng mga babae nating Muslim pinatay ng mga sundalo’, kaya sumama ako sa kanila" ani Faisal.

ADVERTISEMENT
Kuwento pa ng binatilyo, naging bahagi siya ng grupong nangagasiwa sa ammunition o mga armas at balang ginagamit ng mga terorista sa bakbakan. Kasama niya ang pinsan ni Abdullah na si Usman Maute, isa ring wanted dahil sa terorismo.

Ani Faisal, bago pa man sumiklab ang gulo noong Mayo 23, nagplanta na sila ng mga bala sa ilang bahay sa lungsod. Pero di nabanggit ng binatilyo kung ito’y may aktuwal na pahintulot ng mga may-ari ng bahay o patago nilang itinatanim ang mga balang gagamitin pala ng Maute kalaunan.

“Nakatago sa bahay, pumupunta si Usman, pumapasok sa bahay, pagpasok sa bahay andoon lang ako sa labas,” ani Faisal. “Pagpunta namin ni Usman, sabihin niya maghintay ka diyan, mag-deliver tayo na bala. Kapag nakuha ko na iyong backpack na punong-puno ng 50 caliber [bullets], dadalhin ko naman sa [Brgy.] Raya Madaya.”

Dagdag pa ng binatilyo, wala pang 10 miyembro ng Maute ang nasa Marawi nang magsimula ang gulo noong Mayo 23. Pero dumami ang mga nakikipaglaban nang sumama na ang ilang residente ng lungsod. Sumama rin ang mga presong pinakawalan ng Maute.

Sinusuwelduhan din sila ng mga terorista habang nagsasanay sa pakikidigma. Mas Malaki rin umano ang sinasahod nila oras na makapagtapos o maka-graduate.

“P15,000 kada buwan [suweldo]. Kapag mag-graduate ka, sabi ng trainor namin madadagdagan ng P5,000, magiging P20,000.”

Pero ang huling pagsubok para maka-graduate, kailangan nilang mamugot ng sinumang iutos sa kanila. Kung hindi susunod, sila umano ang malalagot.

"… sabihin ni Isnilon Hapilon na hanapin mo si ‘Fahad’, ikaw mag-kuwan ng ulo, tapos dalhin mo sakin ang ulo…” ani Faisal. “[Kapag di mo nagawa], ikaw papatayin, ulo mo puputulin.”

Pero sising-sisi ngayon si Faisal na umanib sa mga terorista lalo na’t nakita niya kung paano winasak ng digmaan ang bahay ng kaniyang mga kaanak at kaibigan sa Marawi.

"Nagsisisi ako kasi hindi ko nasabi sa mayor sa Marawi na may papasok [na Maute] sa Marawi,” ani Faisal.
"Nagsisisi ako kasi hindi ko nasabi sa mayor sa Marawi na may papasok [na Maute] sa Marawi,” ani Faisal.
ADVERTISEMENT
Kaya naman muling ipinanawagan ng Provincial Crisis Committtee na sana’y makipagtulungan na ang gobyerno sa lokal na pamahalaan para sa tamang edukasyon ng mga batang Muslim. Ito ang nakikita ng komite na pangmatagalang solusyon para wala nang musmos na muling maiimpluwensiyahan ng ideolohiya ng terorismo.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Ron Gagalac
Marawi
MarawiClash
Marawi Clash
terrorism
training
recruitment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT