2 huli sa alok na trabaho sa Japan kapalit ng pera | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
2 huli sa alok na trabaho sa Japan kapalit ng pera

ABS-CBN News
Published Jul 03, 2018 07:41 PM PHT
|
Updated May 12, 2019 02:24 PM PHT
Naaresto ng Valenzuela police noong Lunes ang dalawang dawit sa pangangako ng trabaho sa Japan kapalit ng malaking halaga ng pera.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek bilang sina Elizabeth Mendoza at Jocelyn Madera, na pinagbibintangan ng panloloko ng 20 tao mula Valenzuela, Baguio, Tarlac, at Pangasinan.

Trabaho sa isang sakahan sa Japan umano ang iniaalok ng dalawa sa mga biktima, ayon kay Chief Inspector Rhoderick Juan ng Valenzuela police.

Kuwento ng biktimang si Romeo Marcos, nahikayat siya dahil sa umano'y ipinangakong P75,000 hanggang P80,000 sahod.

ADVERTISEMENT
Itinanggi naman ng mga suspek ang paratang.

Nagbabala si Valenzuela police chief Senior Superintendent David Poklay na huwag agad magtiwala sa mga nag-aalok ng trabaho, lalo kung hindi konektado sa mga kaukulang ahensiya.

"Huwag basta-basta maniniwala sa mga taong may matatamis na dila. Dapat makipag-ugnayan sila sa proper agencies," ani Poklay.

Kinasuhan ang dalawa ng syndicated estafa. --Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
krimen
modus
syndicated estafa
trabaho
Valenzuela
TV Patrol
Doland Castro
hanapbuhay
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT