2 pulis na dawit sa pambubugbog, ipinatatapon sa Marawi | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pulis na dawit sa pambubugbog, ipinatatapon sa Marawi

2 pulis na dawit sa pambubugbog, ipinatatapon sa Marawi

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 29, 2017 03:56 AM PHT

Clipboard

Ipinatatapon sa Marawi ang dalawang pulis na sangkot sa pambubugbog ng dalawang lalaki sa Mandaluyong.

Nakuhanan pa ng isa sa mga biktima ng video ang aktuwal na pambubugbog at viral din ito sa social media.

Ayon sa kumuha ng video, inimbitahan sila sa presinto ni PO1 Jose Tandog at kasamahang si PO1 Chito Enriquez matapos silang mahuli na umiinom sa kalye.

Makikita sa video na naging mahaba ang kanilang diskusyon pero hindi nagtagal, pinagpapalo na ng hawak na kahoy ni Tandog ang mga biktima.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pang mangatuwiran ng mga lalaki pero tuloy pa rin ang hataw ng pulis at nanakot pa na papuputukan sila ng baril.

Kinompronta rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde si Enriquez dahil bagama't hindi siya namalo, may pananagutan pa rin siya at dapat aniya ay inawat niya ang kasamang pulis.

Depensa naman ni Enriquez, nagulat rin siya sa inasta ni Tandog.

Ayon pa kay Albayalde, ipinag-utos na ni Philippine National Police chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa na sibakin sa puwesto ang dalawang pulis, at ipatapon sa Marawi habang iniimbestigahan ang kanilang kaso.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.