Kawalan ng suplay ng tubig sa Bulacan, inireklamo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kawalan ng suplay ng tubig sa Bulacan, inireklamo

Kawalan ng suplay ng tubig sa Bulacan, inireklamo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 24, 2017 07:55 PM PHT

Clipboard

Inireklamo ng mga residente ng Bagna Malolos, Bulacan ang matagal na nilang problema ng kawalan ng suplay ng tubig.

Daing ng mga residente, madalang na may tubig ang kanilang mga gripo. Kung mayroong man, marumi ang lumalabas mula rito.

Ilang beses na naipaabot sa pamunuan ng City of Malolos Water District (CMWD) ang kanilang mga hinaing.

Ayon kay CMWD General Manager Nicasio Reyes, kasalukuyan nang ginagawa ang production well malapit sa Bagna kaya maaayos na ang suplay ng tubig sa lugar sa loob ng ilang linggo.

ADVERTISEMENT

Ipinaliwanag din ng CMWD kung bakit may amoy ang tubig na lumalabas sa gripo.

"'Yung mga illegal na koneksyon, nagpe-penetrate 'yung mga foreign sediments... Kapag halimbawa ang isang barangay nagreklamo na ang lumalabas na tubig, marumi at mabaho, all we have to do is flush it out," ayon kay CMWD General Manager Nicasio Reyes.

Tiniyak din ng CMWD na hindi sila maniningil kung walang lumabas na tubig sa gripo sa buong buwan.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad