Libreng call and text, handog sa mga residente ng Marawi
ADVERTISEMENT

Henry Atuelan,
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2017 05:58 PM PHT
|
Updated Jun 22, 2017 06:00 PM PHT

Libreng call and text ang hatid ng isang telecommunications company para sa mga residente ng Marawi City.

Sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology at Globe Telecom, simula ngayong araw libre na ang text sa lahat ng mobile networks sa Marawi habang libre naman ang tawag sa Globe at TM networks para sa prepaid subscribers ng mga nabanggit na network.

Tatagal ng 15 araw ang libreng call and text na magagamit ng mga sundalong nakadestino ngayon sa Marawi at maging ng mga residente para makipag-ugyanan sa kanilang pamilya.

Ginawa ang hakbang dahil walang load na maaaring mabilhan sa Marawi City.
Ginawa ang hakbang dahil walang load na maaaring mabilhan sa Marawi City.
ADVERTISEMENT
Sa mga susunod na araw makakatanggap ng text message ang mga prepaid subscriber ng Globe at TM tungkol sa libreng promo.

Tiniyak naman ng service provider na hindi maapektuhan ang operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa alok na libreng call and text.

Paliwanag ng isang opisyal ng Globe, makikipag-ugnayan ang kanilang kumpanya sa AFP. Handa ring sumunod ang Globe sakaling hilingin na patayin ang signal dahil may operasyon ang militar.

Isinagawa ang pagpapasinaya sa nasabing programa sa Camp Aguinaldo na dinaluhan ni Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima.

Globe to provide 15 days of free text to all networks and calls to Globe and TM in Marawi city. pic.twitter.com/T2cM2MKI2M
— Bettina Magsaysay (@bmagsaysay) June 22, 2017

-- Ulat mula kay Bettina Magsaysay, ABS-CBN News
Read More:
Globe Telecom
DICT
Department of Information and Communications Technology
Marawi
Maute
Mindanao
call
text
Tagalog news
PatrolPH
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT