Mag-iina pinatay, pinagnakawan; suspek: 2 katiwala | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-iina pinatay, pinagnakawan; suspek: 2 katiwala

Mag-iina pinatay, pinagnakawan; suspek: 2 katiwala

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 20, 2017 07:52 PM PHT

Clipboard

Karumal-dumal ang sinapit ng isang mag-anak sa Sto. Domingo, Nueva Ecija: ginahasa ang ina at saka pinatay ito at ang anak, at saka pinagnakawan sila sa sarili nilang bahay.

Patay mula sa mga saksak sa dibdib si Jonalyn Geranta habang basag naman ang bungo ng tatlong taong gulang niyang anak.

Himalang nakaligtas ang isa pang walong taong gulang na anak ni Geranta na nagkunwaring patay at nakapagsumbong sa kanyang lolo kinabukasan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, Biyernes nang pasukin ng mga suspek na nakilalang sina Gabriel Antido alyas Dodong at Placido Villanueva alyas Jimmy, ang gate ng bahay ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

Ginahasa umano ng mga suspek ang biktima bago pinatay at pinagnakawan ng mga alahas at pera na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.

Nang makita ang mga anak ng biktima, pinag-uumpog umano ng mga suspek ang dalawa at itinapon pa sa banyo ang isa.

Nahuli ang dalawang suspek sa follow-up operation ng mga pulis.

Idiniin ni Villanueva si Antido, at sinabing ito ang pumatay sa mga biktima.

Paliwanag ni Villanueva, iniuntog nila ang mga bata para walang maging testigo sa krimen.

Napag-alamang mga katiwala sa bahay ng pamilya Geranta ang mga suspek na tumutulong sa kanila sa negosyo.

Wala ang asawa ng biktima na nagtatrabaho sa Romblon bilang photographer.

Kasong rape, double homicide at frustrated homicide ang haharapin ng mga suspek.

-- Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.