Tricycle ipinagbawal na sa gilid ng Katipunan Avenue | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tricycle ipinagbawal na sa gilid ng Katipunan Avenue

ABS-CBN News
Published Jun 19, 2018 09:11 AM PHT
|
Updated Jun 19, 2018 08:56 PM PHT

MAYNILA - Ipinagbabawal na ang mga tricycle sa gilid na bahagi ng Katipunan Avenue, sabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Martes.

LTFRB, nag surprise inspection sa tricycle terminal sa Katipunan Ave, QC. Bawal aniya ang tricycle sa mga highway. pic.twitter.com/9zBOVF3vmr
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 18, 2018

Mismong si Atty. Aileen Lizada, board member ng LTFRB, ang nag-inspeksiyon sa mga ilegal umanong terminal ng mga tricycle, partikular na sa gilid ng Miriam College.

Maraming estudyante ang nahirapan makasakay matapos ipagbawal ang tricycle sa Katipunan Ave, QC. pic.twitter.com/SlJPyWQdgL
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 18, 2018
Maraming estudyante ang nahirapan makasakay matapos ipagbawal ang tricycle sa Katipunan Ave, QC. pic.twitter.com/SlJPyWQdgL
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 18, 2018
Ikinagulat naman ito ng mga tricycle driver, lalo't matagal na sila doon at aprubado ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagbiyahe sa nasabing lugar.

Marami ring magulang ang nagalit dahil walang masakyan ang mga anak nila papasok. Ang ibang estudyante, umuwi na lang habang ang iba isinakay sa rumespondedng government vehicles.

Mga tricycle sa Katipunan Ave, pinalilipat sa side streets ng LTFRB. pic.twitter.com/tsoVxECqjy
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 18, 2018
Mga tricycle sa Katipunan Ave, pinalilipat sa side streets ng LTFRB. pic.twitter.com/tsoVxECqjy
— Jekki Pascual (@jekkipascual) June 18, 2018
Ayon kay Lizada, sasabihan niya ngayon ang city buses na mag hain ng special permit para makadaan sa Katipunan, bilang alternatibo sa tricycle sa pareho din ang presyo.

Kahit aniya aprubado ng lokal na pamahalaan, mas mataas pa rin ang national law kaya dapat pag-aralan ng mga opisyal ang pagbibigay ng permit sa mga tricycle, na hindi aniya ligtas sa highway.

-- May ulat nina Jekki Pascual at Isay Reyes, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
tricycle
Katipunan Avenue
Quezon City
LTFRB
Aileen Lizada
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT