Mga may sakit na 'bakwit', dumarami | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga may sakit na 'bakwit', dumarami
Mga may sakit na 'bakwit', dumarami
ABS-CBN News
Published Jun 18, 2017 07:43 PM PHT

Dumarami pa ang kaso ng mga nakakahawang sakit sa mga evacuation center sa Marawi at katabing bayan.

Ayon sa mga doktor mula sa Amai Pakpak Hospital, nakatatanggap sila ng mga impormasyon na dumarami na ang mga nakakahawang sakit sa evacuation centers, tulad ng ubo't sipon na maaaring mauwi sa pneumonia, pagdudumi, at iba pang infectious disease.

Ang iba ay tinitiis na lang ang sakit dahil walang ambulansiyang masakyan o kaya ay takot sa sitwasyon sa Marawi.

“One of the reasons was transportation, another reason is hesitant din sila dahil sabi nga nila this is the battleground or battlefield so natatakot sila… gusto namin inform ang doctors sa district hospital na i-educate ang patients na safe po dito sa Amai Pakpak," ayon kay Dr. Moamar Casim ng Amai Pakpak Hospital.

Kanina lang, may namatay na isang buwan na sanggol dahil sa hindi pa malamang impeksiyon. Hindi na siya umabot sa Amai Pakpak Hospital.

Sa Amai Pakpak dinadala ang mga pasyenteng kailangang i-admit dahil kumpleto ang mga gamit doon.

Masuwerte namang naitakbo sa ospital si Cabsaran Camama na biglang nahirapang huminga.

May sakit sa puso si Camama at lumala ang kaniyang sitwasyon dahil hindi nakakainom ng gamot mula nang maipit sa bakbakan.

Ang anim na buwang sanggol naman na si Al-noor, dengue ang inisyal na suspetsa ng mga doktor ngunit nang masuri, may sepsis na pala ang bata.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
Kori Quintos
bakwit
Marawi
Marawi Clash
Amai Pakpak Hospital
kalusugan
PatrolPH
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT