ALAMIN: Ilang tasa lang ng kanin ang dapat kainin | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ilang tasa lang ng kanin ang dapat kainin

ALAMIN: Ilang tasa lang ng kanin ang dapat kainin

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 16, 2017 03:58 AM PHT

Clipboard

Gaano karami ang kinakain niyong kanin?

Nagpaalala ang isang nutritionist laban sa mga sakit na puwedeng makuha sa sobrang pagkain ng kanin.

Ayon sa National Nutrition Council (NNC), isang tasa ng kanin kada kain lang ang inirerekomenda sa mga babae habang isa't kalahati naman sa mga lalaki. Kung sosobra, nakakataba, at posibleng pagmulan ito ng sakit gaya ng diabetes, heart disease, at ibang uri ng cancer.

"Ang gusto namin, normal weight. ‘Pag overweight mo, tumataas ang risk mo sa ibang non-communicable disease gaya ng diabetes," ani Marilou Enteria, nutrition officer IV ng NNC.

ADVERTISEMENT

Pero, hindi rin puwedeng walang kanin dahil dito kumukuha ang katawan ng enerhiya.

Mayroon namang ibang rice substitute pero dapat limitado rin.

Katumbas ng isang tasang kanin ang mga sumusunod:

- apat na pirasong pandesal o apat na slice ng tinapay
- isang tasang noodles
- isang tasang root crop gaya ng kamote.

Ayon pa sa nutritionist, kailangan ng mga Pinoy ng dagdag na pagkain ng prutas at gulay.

ADVERTISEMENT

Sa huling datos ng Food Nutrition Research Institute, 123 grams o one and 1/4 cup lang ng gulay ang kinakain ng bawat Pilipino kada araw. Mababa ito sa dapat na apat na tasa kada araw na kailangan para makaiwas sa sakit.

Mayaman sa fiber ang gulay na nakakapagpababa ng cholesterol na masama sa katawan.

Ikinababahala naman ni Senadora Cynthia Villar ang sobrang pagkain ng mga Pilipino ng kanin ngunit nilinaw niya na wala siyang balak magpasa ng batas para ipagbawal ang mga promo ng 'unli-rice', o ang pagbibigay ng unlimited rice sa mga kumakain sa mga restaurant.

Inirerekomenda naman ng National Food Authority (NFA) na kumuha lang ng kanin na kayang ubusin.

Ayon sa NFA, dalawang kutsara ng kanin ang nasasayang ng bawat Pilipino kada araw o tatlong milyong kaban sa loob ng isang taon, at kaya nitong pakainin ang buong Pilipinas sa loob ng apat na araw.

ADVERTISEMENT

"Ine-encourage natin ang mamayan natin na magtipid ng pagkonsumo ng bigas… That would rate or lead doon sa kontribusyon natin sa rice self-sufficiency… Iwasan natin ang rice wastage," paghimok ni Dir. Mayette Ablaza, tagapagsalita ng NFA.

-- Carolyn Bonquin, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.