Ibang nurse, sumasahod ng mas mababa sa minimum | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ibang nurse, sumasahod ng mas mababa sa minimum

ABS-CBN News
Published Jun 13, 2018 08:25 PM PHT

Matinding sakripisiyo ang ginagawa ng nurse na si alyas "Dorothy" kada araw dahil sa dami ng pasyenteng inaasikaso.

"Pipigilan mo minsan 'yong pag-CR mo dahil uunahin mo 'yong patient halimbawa kung naghihingalo," kuwento ni Dorothy.

"Sa 'min, sobrang seconds lang, napakahalaga na," aniya.

Tanggap naman ni Dorothy ang bigat ng trabaho, lalo at pangarap niya talagang maging nurse, pero masakit umano na hindi nasusuklian ng makataong kompensasyon ang kaniyang paghihirap.

Nasa P10,000 lang kasi ang sahod ni Dorothy kada buwan, mas mababa pa sa P11,000 sahod kada buwan ng minimum wage workers sa Metro Manila.

"Napapaisip ako, 'pag wala talagang choice at walang nangyayari sa pagpansin nila sa nurses o any medical professionals, baka mag-abroad ako," ani Dorothy.

Ayon sa grupong Filipino Nurses United (FNU), mababang sahod ang dahilan kung bakit may higit 20,000 Pinoy nurse kada taon ang pinipiling magtrabaho sa ibang bansa.

Para sa grupo, P30,000 ang makatuwirang starting salary ng mga nurse sa Pilipinas.

"Sa Korea at Japan, tumatanggap sila ng P66,000, dito lang sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) ay napakababa ng ating sahod," ani FNU secretary-general Jocelyn Andamo.

Ayon naman sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), maaaring parusahan ang mga ospital na nagpapasahod nang mas mababa sa minimum wage.

Pero hindi rin daw kayang utusan ng komisyon ang mga ospital na bigyan ng above minimum wage na sahod ang mga nurse.

"If they're just paying the minimum, technically compliant 'yan. So what we're saying and we're also advocating for companies, to give premium to the skill and expertise of our nurses," ani NWPC deputy director Patricia Hornilla.

Isinusulong naman ngayon ng Bayan Muna ang panukalang batas na layong ipako sa P30,000 ang minimum pay ng mga nurse sa parehong pribado at pampublikong ospital.

Inihain ng grupo noong Pebrero ang House Bill 7196 na nasa committee level pa lang.
Inihain ng grupo noong Pebrero ang House Bill 7196 na nasa committee level pa lang.
ADVERTISEMENT
"Matagal nang nasa krisis kasi ang ating health care system," ani Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Naniniwala ang Bayan Muna na dapat bigyang prayoridad ang sahod ng mga nurse para mapigilan ang posibleng brain drain o kakulangan ng mga bihasang nars sa bansa. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
nurse
trabaho
labor
health care
medical professional
sahod
minimum wage
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT